Chapter 7

7.8K 179 11
                                    

Kakatapos lang namin mag-iyakan nila Momay at Papa. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin sa ngayon. Para bang gusto ko munang ikulong ang sarili ko sa apat na sulok ng kwartong ito.

Gusto ko din sanang isipin na nasa isang masamang panaginip lang ako at bukas pagkagising ko maayos na ulit ang lahat. Ngunit napaka-imposible gayong ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot sakin ng binalita ni Zac.

Hilam ang mata ko habang nakatitig ako sa wallpaper ng cellphone ko na kami ni Train ang naroon. Just give me some time, lahat ng ito buburahin ko na.

Narinig ako ang marahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, napatingin ako kay Zac na bagong ligo at hindi maipaliwanag ang mukha.

"Makikitulog muna ako dito sa kwarto mo ngayon kambal. Parang noong mga bata tayo." nakangiting bungad sakin ni Zac.

"hoy ha, hindi ako suicidal Zac. May kwarto ka, dun ka! Mamaya masipa mo pa si baby, maudlot pa to."

"Gaga ka talaga kahit kailan! Gusto lang kitang bantayan, mamaya tumakas ka e. Baka ayain mo pa si Train na makipagtanan sayo."

"Hindi ko gawain yun huy! Gawain mo yun e, naaalala mo ba nung fourth year high school tayo? May inaya kang makipagtanan nun sayo e! Tapos nalaman nila momay, ano ulit inabot mo? Ilang palo sa pwet natanggap mo?" sabay tawa naming dalawa.

"Trip ko lang naman yun, sila Papa sineryoso. Namaga ata yung pwet ko nun. Sakit kaya! Um-oo na si Rish nun, sayang! 1 week lang naman sana kami magtatanan."

"Gago mo noon, hahaha! Wala ka naman ipambubuhay noon. Kahit nga magligpit ng pinaghigaan mo hindi ka marunong, kawawa naman ang makakatuluyan mo, aalilain mo ng mabuti." panunukso ko sa kanya.

"I won't do that Hannah, you know me. Alaskador lang ako pero tinuturing ko kayong mga prinsesa. Kayong mahahalaga sa akin, at higit sa lahat marunong akong magpahalaga ng nararamdaman." seryoso at makahulugang sabi ni Zac, na sadyang ka-una-unawa naman talaga.

"Bakit hindi mo ko pinigilan na mapalapit sa kanya Zac? Kung talagang pinapahalagahan mo ang nararamdaman ko. I just can't figured it out. Alam mo yun, ayaw pa din mag sink in sa utak ko ang mga pangyayari ngayon."

"Because it's your life Hannah, ayaw kong makialam sa buhay mo dahil baka dumating ang panahon na sisihin mo ako at kamuhian dahil hindi maganda ang consequences ng mga desisyon ko para sayo. And I know that no matter what, ikaw at ikaw pa rin ang masusunod."

"But look at what happened to me, single and carrying a little mony (mow-ni) in my womb."

"Mony?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Zac.

"Monster. Alam mo naman na monster ang ama kaya little mony ang itatawag ko kay baby sa ngayon."

"Akala ko ba nasasaktan ka? Bakit ayaw mong kalimutan muna pansamantagal si Train?"

"You know Zac, no matter how long I deny it, no matter how much I wanted to, you know I just can't. Kahit ipilit ko, kahit ipilit nyo, Train will still be in my heart."

"Sige na, wala na kong sinabi. Wala akong laban sa puso mo. Ang hiling ko lang sana-----"



"Ano?" takang tanong ko naman sa kanya.

Ngumiti si Zac at...







"Wag mo sana syang ipaglihi sa saging Hannah Claire. Alam naman natin pareho na mahilig ka sa ehem saging ehem na mahaba ehem at medyo mataba."


"Walanghiya ka! Lumayas ka sa kwarto ko Zac! Ang bastos ng bunganga mo!"



"Heh! Dito ako matutulog sa kwarto mo! Bukas ipapalipat ko na ang kama ko dito sa kwarto mo para bantay-sarado ka sakin! Para masiguro ko na hindi mo ipaglilihi ang pamangkin ko sa saging! Ayokong maging monkey ang monster kaya papayag ka. Wala kang ibang choice." sabay tawa pa ng nakakaloko.

"Dun ako sa kwarto mo matutulog! Bahala ka dyan!"

Sakto naman na palabas ako ng kwarto nang makita kong nagriring ang phone ko na nakalagay sa side table at pangalan ni Train ang nagregister. Agad-agad itong kinuha ni Zac at sinagot.

"Oy pare!" aba, makapal talaga mukha ng isang to! Wala naman akong magawa at wala akong ibang gustong gawin maliban sa ang pakinggan si Zac na makipag-usap kay Train. Umupo ako sa tabi ni Zac para maki-chismis, dahil simula ngayon isa muna akong dakilang tsismosa. "Zac to.... malamang kasi kambal kami pare kaya ako ang sumagot ng tawag mo." pag-amin ng isang 'to. "She's with me. Nothing to worry about, asikasuhin mo na lang yang kasal mo kung desidido ka na talaga." sarkastikong sambit ni Zac. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa daloy ng usapan nila. "Kasama ko sya, hindi mo na kailangan malaman kung nasaan kami at kung saan ko sya tinatago..." paused.. mukhang mahaba-haba ang sinasabi ni Train. "No worries pare, and by the way. Buntis si Hannah Claire, hindi nya daw kailangan ang yaman mo." biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zac at ang mas lalong ikinalaki ng mga mata ko ay ang pagbato nya ng phone ko!

WASAK! WASAK ANG IPHONE 7 PLUS!

"Grabe ka sakin Zac!" Maluha-luha kong sabi. "Sana man lang kahit ang cellphone ko itinira mo, wasak na nga puso ko, pati ba naman ang phone ko?"



"Ibibili kita! Dalawa pa! Labas muna ako, papahangin." naiiritang wika ng kambal ko.

Hindi ko maintindihan, siguro may kinalaman ang pag-uusap nila ni Train sa pagbabago ng mood nya.

Kung anuman yon, mga bes! Ayaw ko ng malaman. Baka magmukhang monkey na si baby. Delikado na.



GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon