Lumipas ang mga araw na wala akong balita tungkol kay Train. Kasalukuyan naman akong nagbabakasyon sa isang exclusive resort dito sa Bali, Indonesia para makalanghap ng sariwang hangin kasama si Berlin, ang walang-hiya kong kaibigan. Bago naman kami bumyahe, nagconsult muna ako sa OB-Gyn ko na si Dra. Calimbas. Sinabi naman nya na h'wag akong magpapa-stress kaya sinusunod ko lang ang mga bilin nya.
At sagot naman ni Zac ang trip na'to kaya gora kami ni Berlin! Sayang ang opportunity. Minsan lang mamahagi ng biyaya ang ungas na yon kaya samantalahin na.
I am three weeks pregnant and medyo pumayat ako dahil sa morning sickness at iba pang hormonal changes na dulot ni Mony my baby. Haaay, iniisip ko pa lang na magkakaroon ako ng sariling baby gusto ng magpalpitate ng puso ko sa tuwa.
Yung nga lang hindi maalis sa isip ko si Train.
"Oh, babaeng nakalunok ng pakwan. Drinks mo." kunwari'y mataray na saad ni Berlin sabay abot ng dalawang baso ng tubig sa akin.
"Wala na bang iba bakla? Sawang-sawa na ko sa napakasarap na lasa ng tubig." sarkastiko kong sabi sa kanya.
"I just want to keep you hydrated. Baka kaladkarin ako ni Zac mula Batanes hanggang Edsa kapag pinabayaan kita. Mahirap na, sayang ang pes!" sandaling katahimikan... "Train's looking for you. Para syang batang iniwan ng nanay sa mall. Hindi ko mai-explain ang itsura. Hindi ko alam kung kanino ako maaawa kung sayo ba o sa kanya."
"Let's enjoy for a while Ber." nakangiting tugon ko sa kanya.
"And here I am thinking how much you love him. Ganoon na lang yun? Susuko ka na agad? Hello, ang pangit ng impaktang ex nya."
"I am carrying my child, and bawal sakin ang ma-stress. I cannot lose my baby, and it is hard to believe everything. I still can't face him, and everytime na nagpa-flashback sa isip ko yung mga pangyayari pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster. Mas mahalaga lang talaga sakin sa ngayon si baby."
"What if tuluyan syang maikasal kay Claire?"
"His happiness is my happiness. I don't mind..."
"Oh shut up Hannah. Eversince, alam ko kung gaano mo sya kamahal. Some changed of mind huh?"
"I don't know what to feel Berlin. Gusto ko lang maging masaya. Just give me this moment." pakiusap ko sa kanya.
"Ayaw ko lang naman na mangyari sa baby mo yung nangyari sakin. Walang kinagisnang ama." malungkot na saad nya.
And suddenly, nalungkot ako para sa magiging anak ko. Ayaw kong makaramdam sya ng kalungkutan at pangungulila sa tatay.
Pride na lang ang meron ako, hahayaan ko pa bang masaktan ako at ipahiya ang sarili ko?
"You know my story from the very start Hannah, look at me now. I don't know who to blame because of this loneliness. Train loves you so dearly."
"No he don't, he used me." and I walked out!
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. She's telling me that he loves me, my heart tells me the same but my mind can't think that way. He set rules, and rules are rules.
He never loved me.