Hindi ko alam kung saan papunta ang storyang ito. Minsan kung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun lang ang sinusunod ko. Kaya wag po ninyo akong sisisihin dahil sa magulo ang story, dahil aminado ako na MAS MAGULO PA AKO SA MGA STORYA KO HAHAHAHA! Have fun reading guys!
-
"Hannah." rinig kong tawag sakin ni Train. I looked at him with a question mark above my head. "We're going to have a lunch date." He said using a flat tone. Antipatiko talaga kahit kailan.
"Sir, akala ko po ba walang office romance? Nasa office po tayo Sir." oh God, I'm such a tease.
"You're going to have lunch with me or I am going to find someone to eat? At isa pa I am asking you out, where is the office romance in that if we're on the outside? Choose now."
"WHAT THE FUCK TRAIN?!"
"What?" patay malisya nyang sabi.
"Okay, we're going to have lunch together and you're not going to find someone to eat." naiinis kong sabi sabay kuha ng bag ko. "What now Train? Tatayo ka na lang ba dyan?" nauna na akong maglakad palabas ng private office nya.
"Ang cute mo talagang magselos Hannah." natatawang sabi sakin ni Train habang sinasabayan ako sa paglakad.
"Marunong ka palang tumawa." I am amazed, ngayon ko lang sya nakitang tumawa. "At sino naman ang may sabi sayo na nagseselos ako?" Syempre isa akong mapagpanggap na nilalang na kunwari ay hindi inlove sa kanya.
"Anong tingin mo sakin? Hindi tao? Nakaka-offend ka na amour."
"Amour? Train naman, napag-usapan na natin 'to di ba? Wag mo naman ipaalala sakin na si Claire talaga ang mahal mo." He used to call Claire amour. EDI WOW! Sila na ang sweet. As the elevator opened, nauna na kong lumabas kay Train, nawalan na din ako ng ganang kumain. "Train I'm going home. Sumama ang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko. Sumama talaga ang loob ko hindi pakiramdam. "Okay lang sakin kung hahanap ka ng someone na kakainin mo. Sana mabusog ka."
Sarcastic na kung sarcastic pero wala kong pakialam, sya nga itong napaka-insensitive.
"Hannah!" wag kang lilingon Hannah sasabunutan kita! Pero dahil mas malaki ang mga hakbang nya papunta sakin, what do we expect? Syempre naabutan nya ako. Nag-iwas ako ng tingin. "I'm sorry."
"Don't. I'm sorry Train, sinisira ko lang ang araw mo. Mauna na ako, ikaw naman ang boss ko hindi ako papasok." Para akong college student dahil sa mga pinagsasasabi ko.
"Seriously Hannah? Why do you always compare yourself to Claire? Alam mo sa sarili mo na malayong-malayo ang pagkakaiba mo sa kanya."
"Alam ko yun Train, I am always checking the reality. Wag mo ng ipamukha okay?" naiirita kong sabi sa kanya. "Walang-wala talaga ako kay Claire, I know I know."
"Listen to me first Hannah" mukhang nauubos na ang pasensya sakin ni Train, well the feeling is so mutual! Ubos na rin ang pasensya ko, nakaka-bobo! Napaka-inutil kasi, magmamahal na lang dun pa sa manlolokong hampaslupa!
"Tang-ina naman Train, ito na nga oh. Nagpapakababa na ko para dyan sa Claire mo."
"You're words Hannah! My God, whenever you lose your temper you-----"
"You what? Ituloy mo yang sasabihin mo at hindi na ko magpapakita sayo! Magsama kayo ng inutil na babaeng yun!"
Kung mag-away kami ay parang mayroon kaming relasyon. Meron naman kaming relasyon, hanggang kama nga lang.
"Will you please shut up first Hannah? Naririndi ako sayo!" frustrated na sabi nya, pakialam ko naman? I am so pissed right now!
"Edi takpan mo yang precious ears mo. Wag mo kong pakinggan, lumayas ka na nga!"
"This is my company Hannah and if I am going to leave, I'll take you with me."
"Ang yaman-yaman mo, hanapin mo yung inutil na Claire na yun sya ang isama mo ---" ipagpapatuloy ko pa sana ang panlalait ko kay Claire ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko.
HE IS KISSING ME TORRIDLY!
OH MY GOD!
"You're saying something?" he asked after he ended the kiss.
"That was hot." wala sa sariling sabi ko.
"Let's go now babe." He grin at nauna na syang maglakad sakin papunta sa parking lot. WALANGHIYA KA TRAIN! Manghahalik na lang sa lobby pa! Edi ang siste nakatanga lahat ng audience namin. "Come on Hannah, you know how I hate waiting. Kailangan pa ba kitang buhatin?" sigaw nya sakin.
Argh! Sino ba ang hindi mai-inlove kung ganito ang pinapakita at pinaparamdam nya sakin?
"TRAIN! ITATAKWIL KA NA TALAGA NG MGA TRABAHADOR MO SA KOMPANYANG ITO!" sigaw ko pabalik sa kanya habang sinusundan sya sa pagpunta sa parking lot, at ang mokong tinawanan lang ako! "Hindi ka na daw katanggap-tanggap sa lipunang ito!" sigaw ko ulit at napahinto naman sya kaya nauntog ako sa likod nyang napakabango! Hihi ang landi-landi
"I don't really care Hannah, as long as you're with me I am going to be fine." nakangiting sabi nya sakin. KINIKILIG AKO! SAGAD SA CORE!!! HENEBE!
"But loving you will be my downfall Train, and we both know that. You set the rules remember?" I don't want to be sarcastic at all pero hindi ko naman mapigilan ang dila ko. Freedom of speech nga diba?
"Rules are meant to be broken Hannah. Remember that. Come on now I'm starving and we're going to have lunch. Alam kong gutom ka na, kunwari ka pang masama ang pakiramdam mo. Utot mo Hannah, kilala kita alam na alam kita mula ulo hanggang kuko." mapang-asar na sabi nya. I never did imagine this scene, me and him having a conversation like this.
And what? What does he mean by
Rules are meant to be broken, I know that praise. Pero anong ibig nyang ipahiwatig?
Is he giving me a sign that he's in love with me?
Na-bobo na!