Chapter 13

8.3K 174 1
                                    

"Train, saan ba tayo pupunta? Kanina ko pa tinatanong sayo pero hindi mo naman ako sinasagot." Naiinip at naiinis na sabi sa akin ni Hannah.

"Somewhere down the road------"

"At matutulog ka mamaya somewhere down the bed."

"Joke lang babe, eto naman. Hindi ka mabiro. We're going to meet someone."

"Ahhh. Tapos? Uuwi na tayo? Gusto ko ng yakult. Daan tayo sa supermarket mamaya."

"Yes boss. Anything for you."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa restaurant. Inalalayan ko si Hannah at saka iginaya papasok sa loob. Agad naman na hinanap ng mata ko si Claire.

"Aano ba kasi tayo dito Train?"

Nakita ko ang pamilyar na body figure at nang masiguro ko na si Claire nga 'yon, naglakad kami papunta sa table nya

"Train, anong gagawin natin? Bakit nandito si Claire?" May iritasyon na tanong ni Hannah.

"Later babe."

"Hoy Claire." Gusto ko sanang matawa sa way ng pagtawag ni Hannah kay Claire ngunit sinarili ko na lang. Ayokong matulog somewhere down the bed mamaya.

"Upo kayong dalawa." Umupo muna kami at saka sya hinarap. "I want to apologize about what I said the other day...."

"Dapat lang!"

"At pasensya na din kung ginulo ko kayong dalawa. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko before. Masyado akong nadidepress sa mga pangyayari sa buhay ko." Claire's crying. "Hindi ko lang kasi matanggap na, n-na heto sira na ang buhay ko..."

"You don't say that because you're lucky Claire. Heaven showered you the biggest blessing. Marami dyan ang gustong magkaanak but they can't have one. Don't you have friends? At least may matatakbuhan ka."

"I don't have any."

Malungkot na napatingin ako kay Claire at unti-unting nanumbalik sa akin ang nakaraan. Masyado syang nakadepende sa akin noon dahil sa wala syang matawag at maituring na kaibigan. Hindi ko naisip na hanggang ngayon ay wala pa din.

Hindi ko namalayan na niyakap ko na si Claire.

"I told you before Claire, makipagkaibigan ka para hindi ka nalulungkot. Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo? H'wag mong idepende sa iilang tao ang kaligayahan mo. Makipagsocialize ka." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya, tinuyo ang mga mata at tinitigan ang maamo nyang mukha. "Claire, hindi habang buhay madadamayan kita." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Uhmm."

Agad akong napabitaw kay Claire ng makita ko ang expression ng mukha ni Hannah.

Gusto kong lamunin ng lupa! Napaka-insensitive ko, hindi ko naisip na nandito sya sa tabi ko habang yakap-yakap ko si Claire.

"I'll just go to the rest room." She said. Gusto ko sanang sabihin na sasamahan ko sya pero agad syang tumayo at hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.

Nakita ko pa sya na nilapitan ang ilan sa mga crew na para bang may tinatanong. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang nakikita ko syang naglalakad palayo. Mabilis at para bang nagmamadali. Hanggang sa Hindi ko na sya matanaw.

Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin ni Claire.

5 minutes na ang nakakalipas pero hindi pa din sya bumabalik.

"Excuse me." Pasintabi ko kay Claire. Saka lumapit sa ilang crew na kanina'y kausap ni Hannah. "Saan ang restroom?" Tanong ko. Tinuro naman nila ang direksyon. "About the lady a while ago, what did she asked?"

"Ah kung may iba pa daw po bang exit Sir at kung pwede daw ho bang makausap nya yung Manager namin."

"Tell me where's the other exit." Kinakabahang tanong ko. Not again.

Itinuro nila ang dinaanan ni Hannah kanina. Naramdaman kong may humawak sa mga braso ko at nakita si Claire.

Agad kong tinanggal sa pagkakahawak ang kamay nya at saka sinundan ang dinaanan ni Hannah kanina pero paglabas ko ay wala na sya. I tried calling her phone, ilang ring lang biglang nag-unattended.

This is all my fault!

"Excuse me manong, may nakita ba kayong babae na na nakapulang bestida..."

"Sir meron ho. Mukhang nagmamadali nga kanina e."

"Salamat po." Pumunta ako sa parking area at saka sumakay sa sasakyan ko. Hindi pwedeng iwan na naman ako ni Hannah!

I dialled Zac number na agad naman nyang sinagot. "Zac, nasaan si Hannah?"

"I thought she's with you?"

"Iniwan na naman nya ako. I'm gonna look for her. Kapag umuwi sya dyan tawagan mo ako kaagad."

I drove fast to our condo but she's not there. I tried calling her again but she seems like doesn't wanna talk to me.

I dialled Clint's number and luckily he answered. "I need your fucking help bud. Find Hannah."

"Okay bud. Easy. Tell me where's the last time you saw her and send me her contact number. Bye."

Wala akong sinayang na sandali at sinend ko kay Clint ang mga dapat nyang malaman.

Pagkasend ko ay may natanggap akong text message mula kay Hannah.

The wedding is off Train. Don't bother looking for me. Babalik ako pagkapanganak ko at kapag kaya ko na. Hindi ko ipagdadamot sayo si Baby Mony, I just needed some times. Thank you Train.

Uh no, not again.

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon