Chapter 3

9.8K 196 4
                                    

Naglalakad na ako sa lobby ng company ng may biglang humawak sa braso ko.


Pagkalingon ko ay mukha ni Train na naka-kunot ang noo ang nakita ko.


"Why Train?" i asked. Napalingon ako at napansin kong pinagtitingan kami ng mga empleyadong nagdadaan. "Train, sa labas tayo. Kahit sa smoking area." dagdag ko pa, syempre pabulong lang ang pagtawag ko sa kanya sa pangalan nya.


Tinalikuran ko na sya para magpunta sana sa smoking area ng bigla na naman nya akong pigilan sa paglalakad. "Ano bang problema Sir?" bigay-diin ko sa Sir dahil may ilang empleyadong nagdaan sa may likod nya.



"Where have you been Hannah Claire? Kahapon pa kita tinatawagan and guess what? Kahapon ka pa rin hindi sumasagot sa tawag ko!" kinabahan pa ako dahil medyo napalakas yung last statement nya. 


"Not here Train, please." One word, scandalous. 


"We're not going anywhere Hannah. We will stay here until we settle our issue." mariin nyang wika.


"Sir may problema po ba dito?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin ang guard.


"Wala, go back to your work people. No one is allowed to interrupt us." hindi din nakalampas sa paningin ko ang death glare na binigay nya sa ilang empleyado.



"Ano bang problema mo Train?" tang-ina! Ang hirap sumigaw ng pabulong. 


"I already asked you, the moment I wake up yesterday wala ka na----"


"Wait, isn't that a part of our relationship Train?"


"Part?" naguguluhang tanong nya sa akin. "I'm a little bit lost at that part Hannah, enlighten me?"


"Bakit ka ba ganyan? Ang dami ko pang gagawin Train, please lang. Mamaya na lang tayo mag-usap."


"No Hannah, ayaw kong mawala ka sa paningin ko. Not now, not ever. Where have you been? Nagpunta ako sa unit mo just to find out that you're not there."


Nagtataka na talaga ako sa ina-asta ni Train ngayon.


Napatingin ako sa entrance ng lobby at nakita kong pumasok si Berlin na agad naman napatingin sa amin at sinabayan pa ng pag-ngisi sa akin. She mouthed I told you. and then she left while grinning. Baliw talaga ang isang 'yon.



"Answer me Hannah, nauubusan na ako ng pasensya."


"Okay, okay. Umuwi ako kila Momay Train, nami-miss ko na kasi sila." sagot ko sa tanong nya.


"Goodness gracious! Sana man lang may note kang iniwan bago ka umalis o kaya naman ay magreply ka sa mga text ko, or much better if you'll answer my calls."

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon