Epilogue

11.9K 217 6
                                    

"Levine! Umahon ka na dyan!" Tawag ko sa anak namin ni Train na kanina pa nagbababad sa pool samantalang palubog na ang araw.

"But mom------"

"No buts! Magkakasakit ka sa ginagawa mo, napakatigas ng ulo mo manang-mana ka sa ama mo!"

"Hey love. Nananahimik ako dito."

"Masyado mo kasing ini-spoiled ang batang yan! Baka magulat tayo paggising natin isang araw ubos na pera natin sa bangko!"

"Mommy ang harsh mo naman kay kuya, pwede naman baka mamaya nagpatayo na sya ng sarili nyang swimming pool gamit ang pera nyo." Sabat naman ng bunso namin na anak na si Shaina na ngayon ay kumakain.

"Harsh ka din sa pagkain. Tigilan mo yan! Nauubos ang stock natin sa ref dahil sayo!" Gusto ko atang mahighblood. Sa araw-araw na lang ang kukulit ng mga bata. Kailangan pang takutin bago magpabawal. "Shaina baka nakakalimutan mo na pangarap mong maging Miss U? Baka naman mamaya hindi na Miss Universe ang title na mapunta sayo."

"Mommy naman e!" Nagmamaktol na binitawan nya ang sandwich na kanina ay sarap na sarap pa sya sa bawat pagsubo nya.

"Nga pala mom, dito daw magdinner si Tita Claire, wala na daw silang pagkain." Yes, Claire and I were friend for 13 years. At ang nakakaloka mas pasmado pa ang bibig nya kaysa sa akin!

"Sana sinabi mong nagdadamot ako! Yaman yaman hindi bumili ng sariling pagkain."

"Mommy highblood ka na naman ba? Easyhan mo lang kasi 'My."

"Levine ikaw ang panganay, dapat ikaw---"

"Yes Mommy, alam kong ako ang magiging Boss at papalit sa pwesto ni Daddy. I'm working on it."

Sumusukong tinalikuran ko ang mga anak ko at saka lumapit kay Train na kasalukuyan kaming pinapanood. Halata sa mga mata nya ang kasiyahan.

"Manang-mana sayo ang mga anak natin." Nakangiting sabi sakin ni Train.

"At ang kambal sayo nagmana ng kasungitan." Tukoy ko kay Red and Violet. Ang kambal namin.

"Ang mahalaga love, sabay natin silang papalakihin para mas maging mabuting nilalang."

"Kung hindi lang natin anak ang mga yon iisipin kong mga impakto sila e!"

"Mom, we heard you!" Pang aasar pa ni Levine. Pinakapilyo!

"Love you, guys!"

"Love you more, Mom!"

Wala na akong mahihiling pa. Hindi man perpekto ang pamilya namin, pero palagi naman kaming masaya.

"Thank you Train." Nakangiting sabi ko sa asawa ko.

"Anything for you, love."

To infinity and beyond.

Train 💓 Hannah

Fin

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon