Chapter 9

7.7K 168 1
                                    

"When will you come home Hannah  Claire?" 'yan ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng facebook account ko. Halos bahain ang news feed ko ng posts ni Train na naka-tag pa sakin lahat. 

Akala ko ba ikakasal na sya? Bakit kailangan pa nya akong hanapin? Dahil sa kaalamang buntis ako? As if naman kailangan ko ang yaman nya. 

But there's these photos that caught my attention.

SI BERLIN! NAG-POST NG PHOTOS NAMIN TOGETHER, AT ANG GAGA! HINDI ATA NA-OFF ANG GPS AT NAKALOCATE PA KUNG NASAANG LUPALOP KAMI! AT NAKA-TAG PA KO! Susmaryosep!!

I decided to deactivate my facebook account dahil pakiramdam ko napakatoxic kung patuloy ko lang makikita mga post nya and memories namin. Ayaw ko naman na i-block sya, oh well, kapag naisipan kong mag-activate ng facebook, iba-block ko na sya.

Hinanap ko si Berlin, hindi ko malaman kung matatawa ba ko o maiinis sa kanya. Well, it's kinda exciting dahil gusto kong malaman kung pupuntahan ba ko ni Train dito or he's gonna ignore the idea of me being here.

Finally, I saw Berlin having a cup of coffee. I knew it's a coffee dahil sya ay dakilang coffee lover, and she loves the coffee here. Lumapit ako sa kanya and I took the seat next to her.

"Berlin..." mariin kong banggit sa pangalan nya.

She looked at me, clueless. As in! 

"I am in trouble." I said.

"And why?" she answered without looking at me.

"Why did you post our photos and tagged the location where we are now? Anong klaseng katangahan ang ginawa mo Berlin? Nakakaloka ka, gaga!"

She burst out laughing and then looked at me like I said something very funny. 

"Ang sexy mo naman sa mga shots ah? Namnamin mo muna girl hanggang wala ka pang baby bump." sabi nya matapos nya akong pagtawanan. Nakakaloka!

"Gaga ka! Hindi yun yon! What if sumunod dito si Train? Anong gagawin ko?" 

"Enough of what if's. He's not coming." sagot nya na para bang alam na alam kung ano ang mga mangyayari.

"Kailan ka pa naging secretary ni Train?" 

"Kanina lang." AND I WAS LIKE, OMG?! FOR REAL?! Seryosong seryoso ang mukha ng gaga habang nagsasalita. "He contacted me, grabe! Ganon pala magmakaawa ang isang Train Hartley?"


"Seriously? Akala ko ba sakin ka kampi?"

"Ano to? Kampihan ba? Neutral ako bakla! Nag-increase ng 25% ang salary ko!" natatawang sabi sakin ni Berlin. 

"Sana kay Zac ka na lang nagtrabaho! Baka doblehin pa non ang sahod mo!" Naiirita kong sabi sa kanya. "Berlin ha, wag kang padalos-dalos. Ayaw kong ipaglihi sa sama ng loob itong si baby Mony! Baka paglabas nito nakakunot ang noo dahil sa pinaggagagawa mo sakin."

"I'm doing this for you sis. Once na umuwi tayo sa Pilipinas hinding-hindi na makakalapit si Claire kay Train." sabi pa nya na para bang may binabalak. "Ikaw naman kasi girl, ang manhid manhid! Pinakain ka na nga ng saging at lahat, hindi ka pa din mahal? Hayan nga at nakalunok ka pa ng pakwan, well, hindi pa halata na nakalunok ka nga."

"You're unbelievable! Gusto ko na atang magsisi na naging kaibigan kita!" natatawang sabi ko na sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang ire-react ko kaya itatawa ko na lang bago pa ko maloka.

"He loves you Hannah, and the reason why he can't come is simple. Nasa block list sya ng resort na ito dahil sa kagagawan ng mahusay mong kambal. But he's here in Bali. Gusto mo ba syang makita?" 

Napaisip akong bigla sa pinagsasasabi ni Berlin. Okay, he loves nga, pero bakit papakasalan nya pa si Claire kung talagang mahal nya ko? 

Kung minsan talaga nakakabobong mag-isip.

"I don't want to see him anymore." I bravely said.

"Is that your final answer?" nakakalokong tanong nya sa akin.

"Yes, final answer." 

No Train, no stress.

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon