Chapter 10

8.1K 157 2
                                    

Masasabi kong gumaan ang pakiramdam ko nang dahil sa bakasyon namin ni Berlin sa ibang bansa.

Narelax ang buong pagkatao ko at sanay na rin ako sa mga morning sickness na dulot ni baby.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng latest issue ng isang kilala local magazine nang bigla akong tawagin ni Zac.

"Anong problema mo 'bal?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Sya naman ang mukhang stressed ngayon.

"May balak na mag pullout ng shares si Train--------"

"That bastard!" Gigil na wika ko. "At bakit naman nya 'yon gagawin Zac?!" 40% ang shares ni Train sa company namin at may posibilidad na malugi ang kompanyang pinaghirapan nila Papa kapag ginawa nya yun!

"Nagkausap kami kanina, and guess what?! Ang gago, binigyan pa ako ng conditions! Kung hindi lang ako napigilan baka humiwalay na ang ulo nun sa katawan nya!" Nanggagalaiting sabi ni Zac.

"Relax Zac. Baka pati si baby ay ma-stress sayo. Anyway, what are those conditions?" Maging ako ay nanggagalaiti sa galit dahil pakiramdam ko ay ginigipit kami ni Train sa mga ginagawa nya.

"Ayoko munang pag-usapan sa ngayon yan Hannah."

"Bakit ba kasi hinayaan mo pang mag invest sa company natin si Train? Zac naman eh!"

"Anong magagawa ko?! We need him Hannah." Malungkot na pahayag sakin ng kambal ko.

Nakakaunawang tumango ako nang sinabi nyang magpapahinga muna sya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Berlin.

Hindi naman ako nito binigo at ilang sandali lang ay sinagot na rin ang tawag ko.

"Na-miss mo ako agad Hannah?"

"Hindi. Wag kang mag-assume. Nasaan si Train Heartless?" Hindi nagbibiro si Ber nang sabihin nga nitong sya ang bagong secretary ni Train.

"Ahhhh. Sya pala ang nami-miss mo." Pang-aalaska pa nito sakin.

"Gaga. Kailangan ko syang makausap. A.S.A.P"

"Yes Madame buntis! Masusunod. Wait a sec." Ilang sandali akong naghintay bago ko muling kausapin ni Berlin. "3pm. Ipapasundo ka nya daw dyan sa inyo. Magpaganda ka ng bonggang bongga bakla!!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi na 'yon sakin ni Berlin. Tinignan ko ang oras, 1:43pm.

Ilang sandali akong nag ayos nang tawagin ako ng isa sa mga kasambahay namin at sinabi nga na may sundo ako.

Hindi ko na muna binanggit kay Zac na magkikita kami ni Train dahil sigurado ako na hindi papayag ang isang 'yon na magkasama kami ni Train at baka kapag tinopak ang isang 'yon ay ikulong pa ako sa kwarto ko!

Agad-agad kong kinuha ang bag ko at saka nagmamadaling lumabas ng bahay namin.

Sinalubong ako ng isa sa mga tauhan ni Train at agad na pinatakbo ang sasakyan matapos kong masakay ng maayos. Nalalanghap ko ang amoy ni Train sa loob ng sasakyan. Ang manly talaga.

Before an hour ay nakarating kami sa opisina ni Train at nakangiti akong sinalubong ni Berlin.

"Sabi na nga ba at hindi mo din matitiis si fafa Train e." Pang iinis na naman nito sa kanya.

"It's not what you think Ber. Kailangan ko lang syang makausap ng maayos."

Hindi nagtagal ay kaharap ko na din si Train. Gusto ko sana syang yakapin ng mahigpit kaso naisip kong iba nga pala ang pakay ko sa kanya.

"What are those conditions Train?"

"Marry me Hannah, live with me. Love me for the rest of our lives. Grow old with me and don't you ever leave me." May pagsusumamong wika ni Train na para bang may kung anong humaplos sa puso ko. Dama ko ang kalungkutan at pangungulila nya.

"What if I don't agree to your conditions?" Naghahamong tanong ko sa kanya.

"Be ready for the consequences Hannah Claire."

"I have some thing to ask Train. Answer me honestly." Marahan naman itong tumango. "Do you love me?"

Umaasa akong mabigo sa isasagot sakin ni Train. Simula pa lang, alam ko naman si Claire ang gusto at mahal nya, hindi ako.

"I do Hannah. I love you so much." Lumapit sya sakin at may kinuhang kahita at saka lumuhod sa harap ko. "Marry me Hannah. You'll be my Queen forever." Nagsusumamo ang mga mata nito at para bang may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura ko.

"I love you Train, and I do. But I wanted to clear things first. Una sa lahat pumayag ako dahil sinabi mong mahal mo ako, the feeling is mutual. About your shares, it's still up to you kung ano ang gusto mong gawin." Huminto ako saglit ng may maalala. "We'll talk about your ex later." Makahulugan kong sabi sa kanya.

Agad nitong sinuot ang singsing sa daliri ko na syang ipinagtaka ko kung paano nagkasya sakin.

"I love you Hannah." At pagkatapos sabihin ang mga katagan iyong ay siniil nya ako ng halik na para bang ipinaparating sa akin kung gaano nya ako na-miss.

I love you Train Hartley. To the moon and back.

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon