Hannah Claire
I looked at myself on the mirror and tried to visualize my future with Train. Magiging masaya ba ako? Magiging masaya ba ako kung ikukulong ko sya sa mundo ko? Hindi ko ata keri ang makita sya sa araw-araw na pinagsisisihan ang pagpapakasal sa akin.
He's trying to contact me but I decided to avoid him for a while.
Kitang-kita ko sa mga mata nya yung care nya para kay Claire. Hindi ko malaman kung ano ang dahilan nya kung bakit sinama nya ko sa resto kung saan naroon si Claire.
Tinawagan ko si Zac kanina at sinabing maayos lang ako. Pinilit nya ako na sabihin sa kanya kung nasaan ako but I decided not to tell him.
Siguro nga, kailangan ko na lang talagang tanggapin na hanggang ganto na lang kami ni Train. Hindi naman habang buhay ay iiwasan ko sya samantalang magkaka-anak na kami.
"Kung minsan sa madalas talaga ang shunga shunga ko." Bulong ko sa sarili ko habang umiinom ng avocado shake na gawa ko.
Kasalukuyan akong narito sa condo ko sa Baguio. Kailangan kong magpalamig ng ulo! Chos!
I decided to have a walk later, at mamili ng stock ng pagkain. Gusto ko munang maglagi dito. Kailangan din naman na matahimik ng katawang lupa ko.
Iinom na sana ulit ako nang makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok. Sa isip na baka ang asawa ni Mang June ang kumakatok ay agad ko itong binuksan.
Laking gulat ko ng mabungaran ko si Train kasama sila Zac at ang iba pa. Akmang isasarado ko sana ang pinto nang maunahan nila ako. Mabilis silang nakapasok at saka ako binuhat ni Train saka dinala sa kwarto ko (na nag iisang kwarto lang) saka ni-lock.
"Ano bang kailangan mo pa sakin?" Emotionless na tanong ko sa kanya.
"Why do you always do this?" May iritasyon na tanong nya sa akin.
"Do what?" Patay malisyang sagot ko pa sa kanya.
"You always run away from me. Sa palagay mo ba natutuwa pa ako?!"
"Sino bang natutuwa? Hindi ko naman sinabing sundan mo ako at hanapin."
"Yan ba talaga ang gusto mo? Ang lumayo sa akin?"
"Why not? Bigyan mo naman ako ng kaunting katahimikan." Pinipilit kong huwag magpakita ng emosyon para naman lubayan na nya ako.
"Well, good news Hannah. We're still getting married."
"Nope. The wedding is off." Kalmado ko pa din na sabi sa kanya.
Lumabas sya sa kwarto at nagulat akong lalo ng makita ko ang isang judge na napapalibutan nila Train.
"What's this all about Train?" Nilingon ko si Zac. "Zac? Ano to?! Aren't you going to save me from your heartless buddy?!" Nanggigigil na tanong ko.
"I should've done this before Hannah. Para wala ka ng kawala sa akin." Nakangising sagot sa akin ni Train.
Lalakad na sana ako palabas ng kwarto nang bigla akong harangan ng Liga ng mga Siraulong nilalang.
"Nasan na ang dapat namin na pirmahan judge?" Naiinip na tanong ni Zac.
"Ito na Mr. Hartley. Nandyan na lahat ang kailangan ninyong pirmahan."
Inilabas naman ni Train ang kanyang sign pen at saka pinirmahan ang mga dapat pirmahan.
Nang matapos sya ay inabot nya sa akin ang sign pen at ang mga documents na kailangan pirmahan. Tinignan ko muna ng masama si Train bago ko ibalik sa kanya ang sign pen.
"Choose Hannah. You're going to sign or....." umakto syang nag iisip saka may ipinakita sa akin. "60% ng shares sa company ninyo ay hawak ko na. If you're not going to sign, then gagawin ko ang lahat bumagsak lang ang company ng family nyo."
"How dare you!" Tinignan ko si Zac at ang gago nakangiti lang sakin! "Ano to Zac? Isa ka din sa mga bida?"
"Pirma ka na lang kambal. Para masaya."
"Gago, bakit hindi ikaw ang magpakasal sa inutil na to?!" Sabay turo ko pa kay Train. "Lumayas kayo sa condo ko! Hindi kayo pwede dito!"
"Choose Hannah." Seryosong sabi sakin ni Train.
"I won't! Okay, I won't! Hindi ako magpapakasal sayo. Can't you feel it Train?! Si Claire pa din ang mahal mo. Hindi ako. Masyado ka lang nabubulagan ng mga bagay na nagawa nya sayo kaya naiisip mo na mahal mo ako. Kaya utang na loob. Lumayas na kayo. Hayaan ninyo akong magpahinga!"
"At kailan mo din ba matatanggap na ikaw na ang mahal ko? I just care about her welfare but that doesn't mean that I still love her! Makinig ka naman Hannah! Ano ba ang gusto mong gawin ko maniwala ka lang sakin?!" Frustrated na sabi nya sakin.
Malungkot ko syang tinignan saka nag-iwan. "Nagkakasakitan na lang tayong dalawa. Buntis ako Train. Baka lumabas ng stress si baby."
"Then sign these papers!" Umupo sya sa kama at saka ako inupo sa kandungan nya. Nakarinig ako ng ohhhh mula sa Liga ng mga Siraulo at saka sila inirapan. Pinipilit kong makawala kay Train pero mahigpit ang bawat yakap nya sa akin. "I'm sorry about yesterday Hannah. I'm a jerk for letting you feel that way. I'm so sorry, I promised that it won't happen again. Just please. Sign these papers. And carry my surname. Dahil kung hindi mo pipirmahan, magiging cause of death ko ay ang stress. Please Hannah. I am begging you to marry me. So please sign these documents."
"How sure are you that you don't love her anymore?" May pagdududa pa din na tanong ko.
"100% babe. Hundred percent."
"Proof?" I asked him.
Nagulat ako ng ilabas nya ang sandata nya. Chos. Ang kahita na naglalaman ng napakagandang singsing.
"Now sign those papers and wear this."
Ano pa nga ba? Why not? Sabay kaming ma-stress habang buhay.
And maybe, ang kailangan ko lang talaga is his words of affirmation.
![](https://img.wattpad.com/cover/82796359-288-k315661.jpg)