Chapter 15

8.7K 163 2
                                    

"Train magkaliwanagan nga tayo." Kasalukuyan kaming nakahiga dito sa kama ko. Nandito pa din kami sa Baguio at ang mga kaLiga nya wala atang balak na magsiuwi! "Bakit ba dinala mo pa ako sa resto kung saan naroon si Claire?"

"Relax. Gusto lang nyang magsorry that time dahil sa panggugulo nya sa atin. Nothing more and nothing less."

"Relax tapos may payakap yakap ka pang nalalaman?" Naiinis kong tanong sa kanya. I admit, nagseselos talaga ako. Sino ba naman ang hindi magseselos, samantalang harap-harapan. Ano yon? Bastusan? Hangin ako at hindi napapansin?

"Na-carried away lang ako. Ever since kasi introvert na talaga sya. So I felt her sadness, hindi ko naman ineexpect na hanggang ngayon ay ganoon pa din sya." Niyakap ako ni Train at pilit na isiniksik ang mukha nya sa may leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na paghinga nya. "I'm sorry, love. Hindi naman ibig sabihin ng yakap na yun ay mahal ko pa sya. Wala na talaga. Hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong i-offer sa kanya."

"What if ayaw kong makipagkaibigan ka sa kanya?" Naghahamon kong tanong.

"Then I won't. Hindi ko na kayang mawala ka pa sakin."

"Kaya nga pinikot mo ko e."

"I don't care for as long as you're my wife. Wala ka ng kawala sakin Mrs. Hartley."

"Sus. Hindi ko naman ineexpect na mahahanap mo pa ko sa liblib na lugar na ito." I kissed his forehead and look at his face. Ang gwapo!

"I have my ways, love. And thanks a lot to Clint."

"Aba at nagamit mo pa ang pagiging private investigator ng isang yon! Himala, samantalang ang tamad tamad ng hinayupak na yon."

"What matters the most is that we're together now. Wala ka ng kawala."

"Oo na! Patay na patay ka pala sakin." Sabi ko na sinabayan ko pa ng pagbungisngis. Kakalerki! Sarap gahasain.

"Oo naman, walang duda. After our honeymoon tonight, we'll plan our upcoming wedding."

"Gusto ko bongacious! Tapos maraming roses, white roses plus gusto ko mahaba ang gown ko."

"Yes with the roses but with the gown? Baby buntis ka."

Napalabi ako with that thought.

"Oo nga pala. Okay lang kahit medyo maiksi ang gown basta safe si baby Mony." I kissed him, haay. Namiss ko syang katabi sa kama. "At isa pa, lagi naman tayong naghahoneymoon e. Feeling mo naman!"

"I love you! Let's sleep for a while, love. Napagod ako sa byahe."

"I love you more, love." Mamaya maga-eyeball ulit si Tonyo at Tanya.

GENTLEMAN SERIES 1: Train Hartley (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon