Chapter 1

459 20 7
                                    


Chapter 1 ^__^

1891.

Patuloy na pinamahalaan ng Espanya ang Pilipinas sa taong ito. Ang mga kaugaliang nakuha ng mga Pilipino sa mga Kastila ay patuloy na namayani at ang kapangyarihan ng Espanya ay laganap saan mang sulok ng bansa. Subalit, unti-unti ng nabubuo ang pag-aalsa sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Taong 1893 nang bumalik si Dr. Jose Rizal sa Pilipinas mula sa pag-aaral sa Europa. Hindi ito ng gobyernong Kastila at ipinatapon sa Dapitan.

Nararamdaman ni Chryselle Alcantara ang di magandang nagaganap sa kanyang paligid at sumasabay sa poot ng mga naaaping Pilipino ang galit sa kanyang dibdib na hindi niya batid kung kalian sasambulat.

Siya ay isang Spanish mestiza, maganda, matangkad, maputi at may makinis na kutis. Siya ay nakatira sa isang napakaganda at malaking bahay na bato sa Intramuros, Manila, ang tinaguriang Walled City na exclusive para sa mga Kastila noon. Ang kanilang bahay ay madalas na pinagdarausan ng kasayahan at dinadaluhan ng mga kilalang tao.

Ang kanyang ama ay isang mestizo, mayaman at dating may koneksyon sa mga taong may mataas na katungkulan sa pamahalaan ng Kastila. Pinagpipitagan at iginagalang ito ng lahat, ngunit ang kapangyarihan nito ay naglaho ng ito ay ilang beses na inatake sa puso at naging paralitiko. Noong una ay nakatali lamang ito sa isang wheelchair. Akala ni Chryselle ay magiging malaking tulong sa paggaling nito ang pagkakaroon ng bagong asawa, subalit muli itong inatake nang mas matindi kaysa sa mga nauna. Ngayon ay palagi na lamang itong nakahiga sa kama.

Gustohin man niyang magsaya ay hindi na niyang magawa.

"Senyorita...."

Mula sa pagkakatanaw sa malayo ay bumaling ang paningin niya sa babaeng tumawag sa kanya. Nakatayo siya sa balcony, ang preskong hangin ay dumadampi-dampi sa kanyang mga pisngi.

"Marissa" mahinang sambit niya.

Ang kanyang tinig ay napakalambing at kay sarap pakinggan. Maihahalintulad iyon sa isang malamyos na awitin.

"Nakahanda na ang inyong higaan" sabi ng katulong na halos kasing-gulang lamang niya.

"Hindi pa ka kayo magpapahinga?"

"Nagbabakasakali akong darating siya ngayon" matamlay niyang sagot

Ang tinutukoy niya ay si Mathew, ang kanyang kasintahan. Tumingin siya sa ibaba ng balcony at tinanaw ang hardin na natatamnan ng nagagandahang bulaklak. Minsan ay sinosorpresa na lamang siya ni Mathew. Tatayo ito roon, titingala sa kanya habang may hawak na bulaklak ang mga kamay. Umaasa siyang ngayong gabi ay darating ang kanyang mahal.

"Hula ko ay hindi na siya babalik ditto, Senyorita" malungkot na sabi ni Marissa na nag tanging nakikita sa kanya ay ang mahaba niyang buhok.

Ang buhok niya ay tuwid, ngunit itim na itim at maayos na nakalugay sa kanyang likod. Minana niya iyon sa kanyang ina. Si Donya Isabella Alcantara ay isa ring mestiza, higit na mayaman kaysa sa kanyang amang si Don Alberto Alcantara, ngunit ito ay matagal ng yumao. Tatlong beses itong nakunan at malaki ang ipinagpasalamat nito at ng kanyang ama ng isilang siyang malusog.

Matapos iyon ay hindi na maaring magdadalang tao ang kanyang ina dahil sa tumor na tumutubo sa matris nito na siyang nitong ikinamatay.

Mapanglaw ang mga mata niya nang muling sumulyap sa katulong.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong niya

"May ginawa ang iyong Tiya Claudia" pagtatapat nito na sadyang hininaan ang tinig upang hindi marinig ng tinutukoy na babae

"Pinalayas niya si Mathew kamakailan lang. Pinagbabawalan niya itong bumalik dito at makipagkita sa iyo. Ang sabi pa ng iyong tiya, ikaw raw ay natakdang ikasal sa isang mestizong negosyante"

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon