Chapter 3

154 18 2
                                    

CHAPTER 3 +__+

Kabilugan ng buwan nang gabing iyon. Pagkatapos magdasal ay kaagad na nagkulong sa kanyang silid si Chryselle. Isang malaking kasalanan ang pagsuway sa nakatatanda, batid niya pero napag-isip-isip niyang hindi siya katulad ng mga babaeng martir na handing isakripisyo ang sariling kaligayahan alang-alang sa magulang.

"Alang-Alang sa magulang"

Ni hindi niya tunay na ina si Claudia para pikit-mata itong sundan.

Sa naisip ay nagmamadali siyang nagsilid ng ilang mga damit sa lalagyan at pagkatapos ay tinawag si Marissa.

Ang kumot na pinagdugtong-dugtong ang ginawa niyang lubid upang makababa siya ng bintana. Madilim ang likurang hardin kapag ganoong oras at ang gwardia ay nasa harapan lamang ng bahay.

Tinulungan siya ng katulong na makasampa sa isang punong-kahoy ng acacia sa may bakod. Ah,isang malaking kahihiyan iyon para sa kanya at sa kanyang papa.

Bibihirang babae ang may ganoong lakas ng loob. Pero siya ay pinatapang ng kanyang pag-ibig.

"Paalam, Marissa" bulong niya

"Mag-iingat ka, Senyorita" habilin ng babae at saka na pumasok sa loob ng bahay.

May ilang sandali siyang natigilan habang nakapuwesto sa itaas ng bakod at nakatingin sa ibaba. Medyo may kataasan ang distansya hanggang sa lupa. Huminga siya nang malalim at pikit-matang tumalon.

Kamuntik na siyang mapasigaw nang may isang lalaking sumalo sa kanya. Si Mathew.

"Humahanga ako sa'yong katapangan" napangiting sabi niya

"Paano mo nalusutan ang mga gwardia?"

"Dahil inisip kita, mahal ko" ganting ngiti nito

"Higit kang kahanga-hanga. Sino'ng babae ang makakagawa ng ganito?"

Sa dilim ng gabi ay nagyakap sila nang mahigpit.

"Hinintay tayo ni Lance sa kanilang bahay" masayang balita ni Mathew habang hinahaplos-haplos nito ang pisngi ni Chryselle.

"Pahihiramin nya tayo ng sasakyan at ilalayo sa lugar na ito"

"Huwag nating sayangin ang panahon" sagot niya bago muling yumakap nang mahigpit sa lalaki.

Magkahawak-kamay na humakbang sila nang mabilis palayo sa bahay ng mga Alcantara nang makarinig ng isang malakas ng tinig.

"Tigil!"

Kapwa sila napalingon at nakita ang tumatakbong mga gwardia na may hawak na baril.

"Mga gwardia!" takot na saad niya

"Bilisan natin!"

Mabilis siyang hinila nito upang tumakbo nang umalingawngaw sa ere ang isang putok. Ang puntirya ng bala ay ang lalaki ngunit siya ang tinamaan.

"Chryselle!" malakas na sigaw nito nang makitang humandusay ang duguang kasintahan.

Mabilis siyang kinarga nito at binitbit ang lalagyan ng mga damit niya bago pilit na tumakbo.

Ngunit muling nagpaputok ang mga gwardia at sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na. Ilang bala ang bumaon sa katawan ni Mathew at siya ay napaluhod sa lupa, ngunit nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya sa walang malay-tao na si Chryselle.

Sugatan man ay pinilit pa rin niyang tumayo. Tumakbo siya para takasan ang mga humahabol sa kanila. Pumasok siya sa isang makitid na kalye at nagkubli sa isang malaking puno ng acacia.

Mayamaya ay narinig niya ang paglampas ng mga gwardia. Naghintay siya ng ilang sandal bago lumabas at magpatuloy sa pagtakbo na buhat-buhat pa rin ang kasintahan.

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon