Chapter 6

105 15 1
                                    

CHAPTER 6 +__+

Hindi makatingin nang diritso si Chryselle kay Lance nang magkaharap na sila. Hind naman alam ng lalaki kung paano sisimulan ang pagtatapat.

"Alam kong nakukulitan ka na sa akin, subalit nananabik na akong Makita si Mathew" pagbubukas niya sa usapan.

"Nangako kang dadalhin ako sa kanya"

Humugot ito ng malalim na hininga bago tumugon.

"Huwag mo nang asahang makikita mo pa si Mathew. Siya'y.....wala na"

Namula ang mukha niya sa narinig.

"Ano ang 'yong ibig sabihin?"

"Hind siya nakaligtas nang kayo'y habulin ng mga guardia" pagtatapat nito

"Nang gabi ring iyon ay nalagutan siya ng hininga, ngunit bago iyon ay ipinagbilin ka niya sa akin. Ako ang nagsasaayos ng lahat upang maiuwi ang bangkay niya sa kanyang mga magulang"

Pumatak ang masaganang luha sa mga mata ng dalaga.

"Sinungaling ka!" paratang niya

"Sinasabi ko na nga ba't hindi ka mapagkakatiwalaan!"

"Marahil ikaw at isang tulisan at ikaw ang pumatay kay Mathew"

Nagtagis ang mga bagang ni Lance.

"Hindi moa lam ang iyong mga sinasabi" tugon nito

"Kung hindi lamang sa iniwang pakiusap ng aking kaibigan ay hindi ko itataya ang sarilli kong kapakanan upang mailayo ka sa iyong Tiya Claudia"

"Hindi gusto ni Mathew na matuloy ang kasal mo sa isang lalaking hindi mo iniibig"

"Kung gan'on ay ilabas mo siya!" mariing sabi niya

"Ilabas mo ang mahal ko, Lance. Huwag mo akong pahirapan nang ganito"

Sasabog na ang kalooban ni Chryselle nang oras na iyon. Hindi siya maniniwala na wala na si Mathew.

"Hindi ako nagsisinungaling. Si Mathew ay patay na" tumanaw ito sa dagat

"Siya'y aking matalik na kaibigan at ako man ay nalulungkot sa sinapit niya. Ang kanyang mga magulang ay nais magreklamo sa Pulis General, ngunit batid nilang magsasayang lang sila ng laway"

"Natitiyak kong isang malaking tao ang nasa likod ng pagpatay sa 'yong kasintahan, isang pader na mahirap banggain"

"Isang katulad mo!" naniningkit ang mga matang paratang ni Chryselle

"Natitiyak kong nabibilang ka sa angkan ng mapang-aping Kastila. Isa ka sa nagpapahirap sa bansang ito"

"Wala kang karapatang husgahan ako" tiim- bagang na hinarap siya nito

"Oo nga't may dugong Kastila sa aking mga ugat, ngunit may dugong Pilipino rin. Katulad mo, Chryselle. Pareho tayong Kastila, naiintindihan mo? At pareho rin tayong may dugong Pilipino. Ngunit hindi mo ba naisip na iba ang sitwasyon ngayon?"

"Ang aking kasintahan na Anette ay isang Pilipino, subalit nagawa niyang magpaluha ng isang mestizo na katulad ko"

May panglaw sa mga matang muli itong tumanaw sa dagat.

"At ikaw, ang nagdudulot ng pagdurusa mo ay isang Pilipino---ang 'yong Tiya Claudia"

Nais manghina ni Chryselle. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit. Ang minimithi niyang pangarap ay biglang gumuho.

"U-uuwi na ako sa amin" pagkaraan sabi nito

"Para ano?"

Muli itong humarap sa kanya.

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon