PART 8 ÷__÷Hindi niya alam ang sasabihin. Pagkatapos ng mga naisip niya nang nagdaang gabi, parang natatakot na nga siyang bumalik ng Manila. Hindi niya gustong makasal sa lalaking batid niyang may masamang ugali.
Kung hindi naman siya magpapakasal kay Gregorio, patuloy niyang matitikman ang kalupitan ng kanyang Tiya Claudia. At kung hindi naman siya aalis sa kinaroroonan, paano niya mabibisita ang kanyang papa?
"Bahala ka nang magdahilan sa 'yong Tiya" patuloy nito
"I-ikaw?" tanong niya
"W-wala ka bang planong bumalik sa Manila?"
"Saka na" sagot nito
"Kapag kaya ko nang mamuhay nang maayos nang walang alalahanin"
"Kapag nakalimutan mo na si Anette?" usisa niya
"Sa tingin mo ba ay makakatulong ang lugar na ito upang magawa mo iyon?"
"Wala ka nang pakialam sa buhay ko" yamot na sagot nito
"Ang asikasuhin mo ay 'yong buhay"
"Sinabi sa akin ni manang Nene na isa kang manananggol at sa Europa ka pa nag-aral. Bakit hindi mo gamitin ang propesyon mo?"
"Siguro ay matutulungan mo ako sa problema ko sa aking madrasta. Paano ang karapatan ko sa kabuhayan ng Papa kung si Tiya Claudia ang nagpapalakad nito?"
"Wala akong balak gamitin ang aking propesyon dahil wala rito ang hilig ko" mariing sagot nito
"Ang hilig ko ay pagpipinta"
"Isang magandang propesyon ang Abogasya, Lance"
"Tigilan mo ang pakikialam sa buhay ko" nayayamot nang sabi nito
"Kailangan mo nan gang umalis ditto sa lalong madaling panahon. Nagsisisi ako't isinama pa kita rito" tiningnan siya nito nang matalim.
Tumungo na lamang siya.
Siyang pagdating ng humahangos na si manong Willy
"Lance, may mga pulis na mukhang ditto patungo!" anunsyo nito
Bumukas ang pangamba sa mukha ni Chryselle.
----------
May ilang sandaling nag-isip si Lance bago nagsalita.
"Hindi problema 'yon" sagot nito
"Ako mismo ang magbibigay kay Chryselle sa kanila. Hindi nila ako kayang parusahan kapag nalaman nila kung sino ang aking ama"
Naalarma si Chryselle sa narinig.
"Hindi!" napatayong sabi niya.
"Ayoko! Ayokong sumama sa kanila sa Manila. Itago ninyo ako!"
"Hindi ba't nais mo nang umuwi?" taking tanong nito
"Hindi na!"
Sumilip siya sa bintana at natanaw niya ang paparating na mga kapulisan.
"Ayoko nang bumalik sa bahay. Ayokong magpakasal kay Gregorio!"
"Mahabag ka sa kanya, Senyorito" di-nakatiis na sabad ng nakamasid na si Manang Nene
"Bahala kayo kung saan ninyo siya balak na itago" mahinahong saad nito bago humigop ng kape.
Mabilis nang hinila ng babaeng katiwala ang dalaga paakyat ng hagdanan. Sinundan sila ng tingin ni Lance. Nang mawala sila sa mga paningin nito ay saka naman dumating ang mga pulis.
"Mawalang-galang na ho, Senyor!" sabi ng isang pulis sa wikang Espanyol.
Yumukod ito matapos alisin ang suot na sombrero nang makitang mukhang Kastila ang kaharap.
"Kami ho'y napag-utusan lang. May hinanap ho kaming isang mestiza na taga-Manila. Baka sakaling may alam kayo tungkol sa kanya"
Sumagot ang binata sa wikang Espanyol din.
"Wala akong ibang nakikitang babae sa lugar na ito maliban sa aking katiwala, Pulis"
"Kung sakaling may makita kayong estrangherong babae, maari ho bang iparating ninyo sa kinauukulan?" anito
"Isa siyang mestiza, matangkad, maputi at maganda"
Iniabot nito sa kanya ang isang larawan.
"Siya'y anak ng isang mayaman ang mestizong naninirahan sa Manila"
"Asahan ninyo"
Tinanggap nito ang larawan ni Chryselle at matagal na pinagmasdan. Napakaganda ngang talaga ng dalaga.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mga pulis. Nagpalipas muna ng ilang sandali si Manong Willy bago pinalabas mula sa pinagkukublihang malaking aparador si Chryselle.
Marahan niyang nilapitan si Lance sa kinauupuan nito nang makababa siya ng hagdanan.
"M-maraming salamat" mahinang sabi niya.
"Hindi iyon nangangahulugan na maaari ka nang tumira rito habampanahon" pormal na sagot nito na piniling ilagay sa bulsa ng pantalon ang larawang nagmula sa mga pulis.
"Sa lalong madaling panahon ay magpapahanap ako kay Manong Willy ng bahay na malilipatan mo sa bayan"
"Para mo na rin akong ibinigay sa mga pulis" sabi niya
"Marami nang naghahanap sa akin sa bayan. Oras na matagpuan nila ako, tiyak na ibabalik nila ako sa Manila"
Tumayo si Lance at pumanaog sa hagdanang nagmumula sa balkonahe. Nagtungo siya sa dalampasigan. Paano niya sasabihin kay Chryselle na ayaw niyang tumagal ito sa kanyang piling dahil iniiwasan niyang umibig na muli at masaktan?
Simula nang pagtaksilan siya ni Anette ay nawalan na siya ng tiwala sa mga babae. Kaysa mabigong muli ay mas nanaisin pa niyang mamuhay nang mag-iisa.
-----------
Samantala, sa Manila, isang panauhin ang dumating sa bahay ng mga Alcantara.
"Gregorio!" nakangiting salubong dito ni Claudia.
May mga kasamang alalay ang lalaki at ang mga iyon ay nagpaiwan sa may tarangkahan.
"May balita na ba kay Chryselle, Donya Claudia?" walang kangiti-ngiting tanong nito habang tinatanggal ang suot na sombrero.
"Ikinalulungkot kong sabihing wala pa" napapormal na sabi nito
"Ngunit hindi tumitigil sa paghahanap ang mga taong inutusan ko"
"Kailangang matagpuan siya sa lalong madaling panahon"
Kaagad itong naupo nang makarating sa sala.
"Desidido na akong pakasalan si Chryselle. Siya'y tunay na kaibig-ibig, napakaganda at alam kong maari kong maipagmalaki sa aking mga amigo't amiga. Makikipagtulungan sa inyo ang aking mga tao sa paghananap sa kanya"
"Magandang ideya" nasiyahang saad nito
"Ako man ay nananabik na sa pagsapit ng malaking kasalan ninyo"
May ngiting sumilay sa mga labi nito.
At pagkatapos ng kasal ay tiyak kong mas magiging mayaman at makapangyarihan ako sa lugar na ito.
ABANGAN......
VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Historical FictionHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...