Chapter 14

95 13 0
                                    

CHAPTER 14 £__£

Nagbago na ang hitsura ni Anette. Ang dating mahaba nitong buhok ay umikli. Makikinang ang mga alahas nito sa katawan,ang damit ay yari sa mamahaling seda at ang mukha ay punumpuno ng kolerete. Naglaho na ang kasimplehan ng babae at iyon ang nasa isip ngayon ni Lance habang kaharap ito sa mesang nasa balkonahe.

"Kumusta ka na, Lance?" tanong nito kasabay ang pagsilay ng ngiti sa mga labing may kulay pulang lipstick.

"Kailangan ko pa bang sagutin ang katanungang iyan?" pormal na sagot niya

"Batid kong labis ang pagkamuhi mo sa akin" naglaho ang ngiting patuloy nito.

"Sinadya kong huwag sagutin ang mga sulat mo nang ika'y nasa Europa dahil nais na kitang makalimutan. Noon pa man ay alam ko nang imposible an gating pag-ibig. Hindi tututol ang 'yong papa na isang katulad ko lamang ang 'yong mapangasawa"

"Kung hinintay mo lamang ang aking pagbabalik, mapapatunayan ko sa iyong kaya kong gumawa ng sarili kong desisyon"

"Ngunit nakilala ko na si Deigo" anito

"Nasilaw ako sa yaman niya kaya mabilis kong tinanggap ang alok niyang kasal. Ngayon ko lang nalamang iyon na ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko"

May namuong luha sa mga mata nito.

"Malupit na tao si Deigo, Lance. Mayabang at hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Para akong alilang sunod-sunuran sa bawat gustuhin niya. Ang mas masaklap, nananakit siya. Ang aming unang supling ay namatay habang nasa tiyan ko dahil sa kanyang pambubugbog sa akin. Natapos ang aking pagtitiis nang siya ay namatay sa isang aksidente"

"Patay na si Deigo?" di-makapaniwalang tanong niya

"Kailan lang" sagot niya

"Dahil sa kanyang kayabangan, may isang pinoy na naglakas-loob na pumatay sa kanya. Nais ko pang ipagpasalamat nang malaki ang pangyayaring iyon. Sa wakas ay malaya na ulit ako"

Napangti ito habang kumikislap-kislap ang mga mata.

"Minsan ay nakasalubong ko si Manong Bruno sa simbahan at nabalitaan ko ang tungkol sa'yo" pagpapatuloy nito

"Nalaman kong narito ka. Kaya nang mamatay si Mathew, naisipan kong magbakasyon sa Los Banyos. At ang puntahan ka rito"

Natigilan si Lance. Hindi ba't iyon ang nais niyang mangyari nang makabalik siya ng Pilipinas? Ang bawiin niya si Anette kay Deigo at magpapakalayu-layo sila? Pero mariin iyong tinutulan ni Mathew dahil matagal na raw na nawala ang pagmamahal ng babae sa kanya.

"Hindi ba't mahal mo pa rin ako hanggang ngayon?" tanong nito

"H-hindi ko alam, Anette" nalilitong sagot niya.

"Mahal mo pa rin ako, alam ko. iyon ang dahilan kung kaya't pinili mong manatili sa lugar na ito. Gusto mo akong makalimutan"

"Umuwi ka na" taboy niya.

"Masyado pang maaga" sagot nito

"Lance, hindi mo man lamang ba ako aanyayahang dito magtanghalian?" ngumiti ito.

"Isa pa, nais ko namang pagsawaang tingnan ang kapaligiran. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta sa ganitong lugar"

"Hindi ba't kinamumuhian mo ang lugar na ganito?"

"Noon 'yon. Ngayon ay wala nang ibang mahalaga sa akin kundi ang makasama ka kahit sa kaunting sandali"

Halata ni Manang Nene ang paghihimutok ng kalooban ni Chryselle habang ang dalaga ay tumutulong dito sa pagluluto sa kusina bago magtanghali. Ang bilin ni Lance ay maghanda ng pagkain dahil doon manananghalian si Anette at ang kasama nitong alila. Kanina ay nagtungo sa bayan ang matanda at bumili ng mga lulutuin.

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon