Chapter 5

118 16 1
                                        

CHAPTER 5 ☆__☆

Iginala niya ang paningin sa buong silid. Malinis at maaliwalas ito. Antigo ang mga kasangkapan at ang kama ay yari sa punong acacia. Pero batid niyang sa unang mga gabi ay hindi magiging madali sa kanya ang pagtulog dahil sa maraming alalahanin.

Tumayo siya at binuksan ang bintanang yari sa matibay na kahoy. Pumasok ang sariwang hangin sa kanyang silid at napapikit siya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay natanaw niya ang isang lalaking unti-unting umaahon mula sa dagat. Si Lance iyon. Nang lubusan itong makaahon ay nagulat siya sa tumambad sa kanyang paningin. Hubo't hubad ang binata! Ngayon lamang siya nakasaksi ng walang saplot na lalaki. Napakakisig nito, ang mga muscles ay parang lubid ng barko.

Sa di-sinasadya ay napatingin ito sa kanyang bukas na bintana. Bigla niya iyong naisara sa sobrang pagkapahiya. Lalo siyang hindi napalagay nang nakaupo na sa kanyang kama. Nakita siya ng lalaki na nakatitig dito habang ito ay nakahubad!

Kahiya-hiya siya!

"Baka isipin niyang sinadya ko siyang pagmasdan"  di-mapakaling saloob niya

"Baka isipin niyang nasisiyahan akong makita siya sa ganoong ayos. Hindi! Oras na dumating si Mathew, yayain ko siyang lisanin kaagad ang lugar na ito"

"Maghahanap kami ng ibang matutulugan at pagkatapos ay magpapakasal kami. Bubuo kami ng isang masayang pamilya"

Napanatag siya sa naisip. Inihiga niya ang hapong katawan sa kama at nakangiting ipinikit ang mga mata. Umaasa siyang bukas ay makikita na niya si Mathew.

Sa tahanan ng mga Santillan nang gabing iyon ay ipinatawag ni Don Eduardo si Bruno sa terrace. Nakaupo ang don at umiinom ng alak matapos ang hapunan.

Magkasalikop ang mga kamay na tumayo ang lalaki sa harapan ng amo.

"Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo, Senyor?"

"Saan nagpunta si Lance? Tanong ng matandang lalaki.

Maraming hibla nan g putting buhok ang ulo nito, kitang-kita na rin ang mga kulubot sa noo, ngunit ang pangangatawan nito ay nanatiling malakas at masigla.

"Ang sabi ng utusan ay umalis kayo habang wala kami ni Loreta" tinutukoy nito sa kabiyak

"M-magbabakasyon daw ho siya, Senyor" tipid nitong sagot

"Saan?"

"S-sa...."

Hindi nito alam kung dapat nitong sabihin ang totoo. Kunsabagay, matagal nang hindi nagagawi sa lugar na iyon ang don at ang asawa nito at hindi mag-aaksaya ng panahon ang mga itong magtungo roon.

"S-sa bahay-bakasyunan sa Laguna"

"At kalian niya balak bumalik dito?"

"Walang katiyakan, Senyor" sagot ni Bruno

"Isang araw ay gusto kong puntahan mo siya roon" pagkaraan sabi nito

"Kailangan na niyang umpisahan ang kanyang propesyon. Isa pa, gusto ko nang magkaroon ng mga apo kaya ihahanap ko siya ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon. Sabihin mo iyon sa kanya"

"Masusunod, Senyor"

======

Maagang nagising si Lance kinabukasan. Matagal niyang nakaligtaan ang kanyang pagpipinta dahil ipinagbabawal iyon ng papa niya, ngunit ngayong malayo siya rito at walang pinagkakaabalahang aralin, Malaya niyang magagawa ang kanyang totoong hilig.

Nagtungo siya sa dagat at inilagay sa buhanginan ang kanyang guhitan. Nais niyang iguhit ang sumisikat na araw.

Minsan na niyang naipinta si Anette sa lugar ding iyon. Ang larawan ay mabilis na natapos dahil sa inspirado siya. Ngunit nang Makita ng kanyang papa, kaagad nito iyong ipinasunog.

Ang sabi pa ng papa niya ay si Anette at ang kanyang hilig sa pagpipinta ay magiging sagabal sa mga pangarap nito para sa kanya.

Nasa aktong uumpisahan na niya ang pagguhit nang marinig niya ang tinig ng humahangos na si Manong Willy.

"Nanggaling ako sa bayan" simula nito.

"Nabalitaan kong inilibing na si Mathew. Alam ba n'yo na may mga nagtungong mga pulis at ibang di-kilalang tao sa bahay nila sa Los Banyos at tiniyak kung si Mathew nga ay patay na? Kung nabubuhay pa daw ang lalaki, ito ay kaagad na dadalhin sa Manila upang iharap sa Tiya ni Senyorita Chryselle" putol ulit ni Manong Willy habang hinihingal, pagkaraan ay pinatuloy niya ang sasabihin.

"Malamang na abot-abot na parusa ang matatanggap nito hindi lamang sa madrasta ng Senyorita kundi pati na sa kumandante at tinyente ng ka-pulisan. Pagkatapos ito ay ikukulong nang matagal sa presinto. Hinanap din ng mga pulis si Senyorita Chryselle. Ang sinumang mahuling nagtatago sa kanya ay ikukulong din, Senyorito" may bumukas na pangamba sa hapis na mukha ng matanda.

"Huwag kang mag-alala, manong Willy" hindi man lamang nangambang sagot niya habang nakatitig sa kanyang iginuguhit

"Hindi nila matutunton ditto si Chryselle"

"Pero paano kung mangyari iyon?" nangangamba pa ring tanong nito

"Hindi lamang kami ang mapapahamak kundi kayo. Sa amin ay walang problema pero sa inyo.....ikasisira iyon ng buhay n'yo, Senyorito" ilang sandal itong nag-isip

"Kunsabagay, makapangyarihang tao ang iyong ama. Hindi ka niya pababayaan sa oras ng kagipitan. Subalit hindi pa rin magandang ilagay n'yo sa peligro ang iyong buhay nang dahil lamang sa isang babaeng walang kaugnayan sa inyo"

"Inuulit ko, Manong Willy. Siya ay nobya ng aking matalik na kaibigan. May pangako ako kay Mathew na hindi ko magagawang sirain. Pero hindi magtatagal ang sitwasyong ito. Makakahanap din ng ibang matutuluyan si Chryselle at ang problema natin ay matatapos din. Hindi ko siya balak kupkupin ditto sa habampanahon. Namumuhi ako sa mga babae"

Nag-angat siya ng paningin at natigilan nang makitang nakatayo sa balkonahe ng bahay ang dalaga. Nakadamit ito ng manipis na pinyang binurdahan. Ang saya nitong sedang kulay rosas ay lalong nagbibigay-ganda sa tuwid nitong tindig.

"Anette....." naibulong niya

"Hindi, Senyorito" pagtatama ni Manong Willy

"Siya ay si Senyorita Chryselle"

Sa narinig ay parang natauhan ang binata.

"Kakausapin ko na siya tungkol kay Mathew"

Iyon lang at tumayo na siya para lapitan si Chryselle sa balkonahe.











ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon