Chapter 13

118 17 0
                                    

Chapter 13 ♡__♡

"Manang Nene!" kinakabahang pagtawag niya habang nananatiling nakatanaw sa lalaki sa dalampasigan.

"Manang Nene!"

Ang matandang babae noon ay nagwawalis sa bakuran ay napahangos sa balkonahe.

"Hija, bakit?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi n'yo sinabing may panauhin kayong isang lalaki" di-mapalagay na sabi niya

"Sino siya? Siya ba'y mapagkatiwalaan?"

"Sinong siya, Senyorita" taking tanong nito.

"Siya"

Itinuro niya ang lalaki sa dalampasigan.

"Susmaryosep!" napangiting sabi ni Manang Nene

"Ako'y pinakaba mo. Siya'y si Senyorito Lance. Ako man ay nanibago nang pumanaog siya kanina sa ganyang ayos" n

Nailing na muli nitong tinungo ang bakuran.

"S-si Lance?" di-makapaniwalang naibulong niya.

Hindi siya nakontentong pagmasdan ito mula sa malayo kaya pumanaog siya ng balkonahe at dahan-dahang tinungo ang dalampasigan. Ayaw niyang magsanhi ng ingay dahil di niya gustong makita siya ni Lance.

Humarap ang lalaki sa direksyon niya kaya mabilis siyang nagkubli sa isang puno ng niyog. Bahagya siyang sumilip at lalong nagging malinaw sa kanyang paningin ang bagong hitsura nito.

Maiksi ang buhok ito at ahit na ang bigote at balbas. Hindi na rin nito suot ang salamin sa mata kaya lumantad ang kaguwapuhan nito. Bumilis ang pagpintig ng kanyang puso.

"Lumapit ka rito, Chryselle" narinig niyang sabi nito mula sa dalampasigan.

Napakislot siya. Diyata't alam nitong nagkukubli siya sa puno ng niyog? Alam din marahil nito na lihim niya itong pinagmasdan! Ah, nais na naman niyang magpalamon sa lupa upang maiwasan ang malaking kahihiyang iyon.

"Chryselle...." Muling pagtawag nito

Saka lamang siya lumabas mula sa pinagkukublihan at mabagal na lumapit sa kinaroroonan nito

"N-naninibago lang ako sa nakita kong ayos mo" kaagad niyang sabi upang burahin ang kung anumang di-magandang iniisip nito.

"Bagay ba sa akin?" nakangiting tanong nito, sabay kapa ng maikling buhok.

"Bagay na bagay" ganting ngiti niya bagaman bahagyang pinamumulahan ng mga pisngi.

"Hindi ka na mukhang hudyo kundi isang maamong mestizo"

"Magandang lalaki na ba ako?"

Nahihiyang bumaling siya ng tingin sa sumisikat na araw, iniwasang sagutin ang tanong na iyon. Madalas ipaalala sa kanya ng nasirang ina na ang pagpapakita ng labis na paghanga sa isang lalaki ay kagaspangan ng ugali.

Kinilabutan siya nang maramdaman ang paghawak ni Lance sa kanyang kamay.

"Halika" kayag nito

"Sumakay tayo ng Bangka at pumalaot"

"N-natatakot ako" tutol niya

"Nandito naman ako at hindi kita pababayaan"

Maingat siya nitong inaalalayan pasakay sa bangkang nakaabang sa pampang. Sa ilang sandal lamang ay nagsasagwan na ito at nasa malalim na bahagi na sila ng dagat.

"Gustong-gusto ko rito" nakangiting sabi nito pagkuwan.

Magkaharap silang nakaupo sa Bangka. Hindi niya magawang tumingin dito nang diretso lalo na sa napakaguwapong hitsura nito. Naiinis siya sa sarili para humanga sa lalaking ito gayung kalian lamang ay ipinagsusumigawan niya ang labis na pag-ibig kay Mathew.

Kunsabagay, hindi kasi mahirap mahalin si Lance Santillan at malaki ang naitulong nito upang mabilis na mawala ang pangungulila niya sa namatay na kasintahan.

"Madalas akong magbabakasyon ditto noong ako ay bata pa" kuwento ng binata

"Nagpapalipas ako ng oras sa panonood ng mga ulap sa langit, sa pagtanaw sa mga alon at sa pagtingin sa mga kakahuyan. Lalo pang nagging maganda ang lugar na ito para sa akin nang isama ko rito si Anetta....."

Naglaho ang ngiti sa mga labi nito nang maalala ang dating kasintahan.

May kumirot sa isang bahagi ng puso ni Chryselle. Hindi pa rin nito nakakalimutan si Anette. Napakadakila ng pag-ibig nito sa babae, ngunit siya ay parang napakababaw dahil kalian lamang nawala si Mathew ay tila nakasumpong na siya ng bagong pag-ibig.

"Hindi!" pagtanggi niya sa tunay na nadarama.

"Sadyang gusto ko lamang kalimutan kaagad si Mathew upang hindi na ako gaanong masaktan"

"Talagang napakaganda rito, Lance" pinilit ngumiting saad niya, nais burahin ang kalungkutan nito.

"Napakasarap tumira sa tahimik na lugar na ito"

"Gusto mong tumira rito nang matagal?" di-makapaniwalang tanong nito.

"Ikaw na mayaman at laki sa layaw? Minsan mo lamang masisilayan ang kabihasnan dahil ang kabundukang ito ay hindi nararating ng train o karwahe"

"Subalit napakaganda rito" pagdidiin niya

"Dito ay para akong isang ibon na Malaya. Nagagawa ko ang anumang gustuhin ko na walang magbabawal sa akin. Ano'ng halaga ng maingay na siyudad kung ikaw ay nakakulong lamang at makamasid-dili ng kagandahan sa labas ng bahay? Ang bahay namin ay sa Manila ay aprang isang hawla sa akin"

Pumormal ito. "Ibang-iba ka kay Anette" hindi nito napigilang sabi.

" Lumaki siya sa hindi masaganang pamumuhay kaya nais niyang itakwil ang buhay sa ganitong lugar. Ayaw na niyang dumaan sa mga batis na may mga linta ayaw niyang baybayin ang haba ng daan patungo sa kabundukan. Ayaw niyang masira ang kanyang kutis sa pagbibilad sa araw. Nais niyang manatili sa siyudad at makihalubilo sa mayayaman. Sa pananabik na maranasan ang buhay na sagana ay hindi na niya nahintay ang pagbabalik ko mula sa Europa"

Nasaktan na naman siya sa mga tinuran nito tungkol kay Anette.

"G-gusto ko nang bumalik sa bahay" bigla niyang nasabi.

Napatingin ito sa kanya.

"Bakit?" tanong nito

Imbis na sumagot at tumingin si Chryselle sa dalampasigan at nasorpresa siya sa nakitang babaeng nakatayo roon at nakatanaw sa kanila.

"Kilala mo ba siya, Lance?" usisa aniya

Saka lamang tumingin ang binata sa direksyon ng kanyang mga mata at ito ang higit na nasorpresa sa nakita.

"A-anette....." di-makapaniwalang sambit nito.

May kabang dumapo sa dibdib ni Chryselle sa narinig na pangalan.










ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon