Chapter 16

182 18 1
                                    

Chapter ♡__♡

Kung may biyahe lamang patungong Manila nang hapon na iyon ay nakaalis n asana si Lance. Nananabik na siyang makita si Chryselle at labis ang kanyang pagsisisi kung bakit hindi siya nakibalita rito. Sana ay noon pa niya nalamang hindi pala ito ikinasal at nang naipagtapat niya rito ang kanyang pag-ibig.

Maaga pa kinabukasan ay nagtungo na siya sa Manila, subalit sa daan patungo sa bahay ng dalaga ay naaksidente siya. Nagwala ang kabayong humihila sa karetelang kinasasakyan niya dahil sa narinig na putok ng baril na di-sinasadyang nakalabit ng isang guardia civil. Tumagilid ang karwahe at nahulog siya. Hindi naging maganda ang pagkakabagsak niya sa lupa.

Kumusta ang lagay ng aming anak, Doktor?"

Labis na pag-aalala ang nakabakas sa magandang mukha ni Donya Isabella nang lumabas mula sa silid ni Lance ang manggagamot na tumingin sa kanya nang umgang iyon.

Nang maaksidente ang binata, may isang kakilalang tumulong at nagdala sa kanya sa kanilang bahay.

"Wala na kayong dapat ipag-alala" sabi ng doctor.

"Wala namang nabaling buto sa kanyang katawan"

"Maraming salamat, Diyos ko" usal ng ginang.


Taimtim naman na nag-usal ng panalangin ng pasasalamat si Don Eduardo sa narinig. Labis din ang pag-alala nito para sa anak kanina. Kung alam lamang ng binata na pinanabikan din ng Don ang kanilang muling pagkikita. Nang mawala siya nang tuluyan sa bahay na iyon ay saka lamang ito nakadama ng pangungulila sa nag-iisang anak. Naisip nitong masyad itong iniligaw ng hangaring mapabuti siya, ng hangaring kilalanin at maging matagumpay siya.

Gusto nitong magkaroon ng perpektong pamumuhay si Lance kaya nagawa siya nitong diktahan maging sa pagpili ng asawa, ngunit ngayon nito lubos na naisip na nag kapalit ng lahat ng iyon ay ang pagkitil sa kaligayahan niya.

"M-maaari ko na ba siyang makausap?" mahinang tanong ng matandang lalaki sa doktor pagkaraan ng ilang sandali.

"Ikaw ang bahala, Senyor"

Hindi kaagad nakapagsalita si Don Eduardo nang makitang nakahiga sa kama si Lance at nakatingin sa malayo. Ang baywang at isang paa niya ay may benda.

Tumayo ito sa tagiliran ng kama, ngunit hindi pa rin makapagsalita.

"Hindi ko kagustuhan ang umuwi rito" sa wakas ay nasabi

"Huwag mo akong ituring na parang ibang tao, Lance" namamaos ang tinig na sabi nito sa wikang espanyol.

Wala sa tinig nito ang kapangyarihan, sa halip ay pagpapakumbaba.

"Ako'y iyong ama"

Pormal na tumingin siya rito.

"Patawarin mo ako sa aking mga nagawa sa'yo" patuloy nito

"Ang lahat ng iyon ay dala lamang ng aking matinding hangarin na mapabuti ka. Gusto kong gawin mo ang pagsisikap na ginawa ko upang maging matagumpay ka sa hinaharap. Ngayon ay napag-isip-isip kong may sarili kang buhay at malaki ka na upang hindi malaman ang tama at mali"

Napangiti na siya sa sinabing iyon ng ama.

"Maraming salamat, Papa at patawarin n'yo rin ako sa aking pagsuway sa inyo"

Iyon lang at nagyakap na sila nang mahigpit.

Sa kanilang bahay, nagkaroon ng mga bagong mapagkakatiwalaang katulong si Chryselle.

Isang araw na nasa sala siya at nag-aayos ng mga bulaklak sa plorera ay ginulantang na lamang siya ng pahangos na pagdating ng isang alila mula sa labas ng bahay.

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon