Chapter 11

94 15 0
                                        

Chapter 11

Napakagat-labi si Chryselle. Nais niyang mahabag kay Lance sa pagkakaroon nito ng malupit na ama samantalang ang kanyang papa naman ay nasobrahan ng bait kaya maging ang pangalawang asawa ay nakakaya-kaya ito.

Kung hindi lamang maagang nawala ang kanyang mama ay tiyak na masaya silang nagsasama kahit paralitiko pa si Don Alberto. Kung bakit kasi dumating pa sa buhay nila si Claudia.

"Ngunit, Senyorito, tiyak na magagalit ang 'yong ama kapag umuwi ako nang hindi ka kasama" nangangambang sabi ni Bruno.

"Masyado na raw matagal ang iyong pagbabakasyon. Isa pa, may mga naghihintay na raw kayong kliyente"

"Hindi ako uuwi!" mariing sabi nito habang nagngangalit ang mga mata.

Napasulyap ang tauhan sa kanya, ngunit bumaling din kaagad sa amo.

"Nangangamba akong ang papa ninyo ang sumugod dito oras na hindi kayo sumama sa Manila" patuloy nito

"Nakapagbitaw na ng salita si Senyor Eduardo sa mga magulang ng babaeng nais niyang ipakasal sa inyo. Ang mga magulang naman ng babae ay gustong-gusto din kayo para sa kanilang anak"

"Hindi, Bruno" iiling nito

"Hindi ako magpapakasal sa isang babae nang walang pag-ibig. Hindi ko sisirain ang aking prinsipyo para lamang sundin si Papa"

"Itatakwil niya kayo" mahinang saad ng tauhan.

Napatiim-bagang na hindi nakapagsalita ang binata.

Papalubog ang araw nang magtungo si Lance sa dalampasigan at umupo roon. Pilit niyang hinahanap ang katahimikan sa dagat na may maliit na along dala ng mahinang ihip ng pagpipinta ang paglubog ng araw, ngunit ngayon ay wala iyong pang-akit. Ang malamlam na sinag niyon ay parang luha. Ang ilang ulap sa dako niyon ay parang maraming mukhang nakatawa at nanunukso sa sinapit niyang kapalaran.

"L-Lance..."

Hindi siya kumilos sa kinauupuan kahit narinig ang tinig ni Chryselle. Ang dalaga ay nakatayo sa likuran niya, nag-atubiling gambalain siya sa kanyang pag-iisa ngunit hindi rin nakatiis. Batid nitong sa mga sandaling iyon ay kailangan niya ng makakausap.

"Ano ang 'yong kailangan?" pormal na tanong niya pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan

"W-wala naman" mahinang sagot nito.

"K-kanina ko pa kasi nakikitang napakalungkot mo. Alam kong iyon ay dahil sa balitang inihatid ni Manong Bruno"

"Ano ang dapat kong ikalungkot?"

Ni hindi man lamang siya sumulyap dito.

"Bukas nang maaga ay babalik ng Manila si Bruno upang sabihin kay papa ang mga ipinasasabi ko"

"Ngunit batid mong hindi papaya ang 'yong papa, hindi ba?"

Napaupo ito sa kanyang tabi.

"Isa kang matapang na lalaki, ngunit batid kong hindi mo pa rin kayang suwayin ang 'yong Papa"

"Hindi Chryselle" waring may bikig ang lalamunang sabi niya

"Kailanman ay hindi ako naging matapang. Isa akong duwag. Hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ko kay Anetta kaya pumayag akong mag-aral sa Europa. Iniwan ko nang matagal ang babaeng pinakamamahal ko kaya siya nagpakasal sa ibang lalaki. Hindi ako dapat mamuhi sa kanya dahil iniwan ko siya. Isa akong duwag"

"Dahil gusto mo lamag maging masunurin sa 'yong Papa"

"Na isang malaking kahangalan!"

Nagtagis ang mga bagang niya.

"Bata pa ako'y siya na ang nagdedesisyon ng lahat para sa akin magmula sa aking isusuot na damit, mga laruan hanggang sa kursong kukunin ko. Ngayon at patuloy pa rin niya akong ikinukulong sa kanyang kapangyarihan. Malupit siya, Chryselle. Tila baa yaw niya akong magkaroon ng kaligayahan"

"P-paano kung sumugod nga rito ang 'yong papa?"

Pumiyok ang tinig nito sa pagkakasambit sa mga katagang iyon.

"Pag nangyari iyon, wala na ring ibang paraan kundi ang bumalik ako sa amin"

Walang salitang tumingin siya sa dalaga. Tinitigan niya nang matagal ang mga mata nitong waring may mahalagang bagay na nais ipahiwatig, dangan nga lamang at walang sapat na lakas ng loob upang idaan iyon sa mga salita.

"B-bakit, Lance?" nagtatakang tanong nito.

"Kaya ba tayo pinagtagpo ng Diyos dahil alam niyang parehong tayong may malaking pasanin sa buhay, Chryselle?" halos pabulong nyang tanong.

Hindi ito nagsalita.

"Siguro nga ay ganoon" sagot niya sa sariling katanungan

"Nakikita ko sa 'yong mga mata ang labis na kalungkutan. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging espesyal sa 'yong puso"

Pakiramdaman ni Chryselle ay nanigas ang buong katawan niya nang masuyong haplusin ng binata ang kanyang pisngi. Nais niyang ibaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin, ngunit animo'y may taglay na magneto ang matatamlay na mata nito.










ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon