Chapter 10
Magaling na manghihilot si manang Nene. Mabilis naman nitong naitama ang mga nawala sa puwestong ugat at buto ni Chryselle sa balakang at binti.
"Dapat kasi ay nagpasama ka sa akin sa pamamasyal mo sa gubat, hija" sabi ng matanda nang muling hilutin ang kanyang binti nang hapon na iyon.
"Ayoko na hong gambalain kayo sa inyong ginagawa, manang Nene' sabi niya habang nakahiga sa kama.
"Naku! Wala namang problema sa akin 'yon. Maaari kong iwan ang trabaho at samahan ka muna sa mga gusto mong puntahan. Mabuti na lamang at naroroon din noon si Senyorito Lance. Kung nagkataong ikaw lang mag-isa, sino ang maaaring tumulong sa 'yo?"
"Hindi na ho mauulit" aniya
"Pwede ka rin namang magpasama kay Senyorito Lance sa pamamasyal" patuloy nito.
"Sinabi sa akin ni Willy na totoong wala kayong kaugnayan sa isa't isa at ang malapit sa kanya ay ang 'yong kasintahan. Ngunit mabait naman si Senyorito, Hija"
"Nitong huli na lang 'yan nagkaganyan dahil ang kanyang pinakamamahal na si Anette ay nagpakasal sa ibang lalaki habang siya ay nag-aaral sa Europa. Walang ibang inibig ang Senyorito kundi si Anette. Sa katunayan ay naisama na niya rito ang babaeng iyon sa minsang pagbisita niya sa kanyang lolo at lola. Iginuhit pa nga niya ang larawan nito"
"Maganda ho ba siya, Manang?"
"Napakaganda, Hija" sagot nito
"Ang kagandahan ni Anette ay maihahambing sa isang simpleng Pilipina. Iyon ang pangunahing rason kung kaya napaibig si Senyorito Lance. Ayaw ng amo ko sa sobrang mestiza"
Bakit parang may kumirot sa isang bahagi ng kanyang puso sa sinabing iyon ni manang Nene? Ah, hindi lang siya makapaniwala may isang lalaking ayaw sa isang katulad niya samantalang sa Manila ay marami ang humahanga sa kanyang kagandahan.
Kamamatay lamang ni Mathew para pagtuunan ko ng pansin ang isang lalaking hindi ko pa lubos na nakilala, naisip niya.
Pinipilit ko lamang iwaglit sa aking isip si Mathew kaya ako nakakaganito.
Hindi niya alam, nang mga sandaling iyon ay hindi rin mapakali si Lance sa silid nito. May bigla itong naramdamang kakaiba para kay Chryselle. Parang bigla ay aayw na nitong mawalay sa paningin ang magandang mestiza.
-----------------
Sa mesang nasa balkonahe nagmerienda sina Lance at Chryselle kinabukasan ng hapon.
"Kumusta ang pilay mo?" tanong nito pagkuwan
"Hindi na gaanong masakit" sagot niya
"Hindi na nga ako gaanong nahihirapan lumakad at kumilos. Magaling na manghihilot si manang Nene"
"Huwag mo nang ulitin ang 'yong ginawa kahapon" anito
"Kahit walang tulisan sa lugar na ito, may mga hayop pa rin namang mapanganib katulad ng ahas"
"Kahit saang lugar ay may ahas" napabuntong-hiningang sabi niya
"Kahit sa siyudad. At para sa akin ay higit na mapanganib ang ahas doon"
Sumulyap ito sa kanya.
"Katulad na 'yong Tiya Claudia?"
"Marahil" nalungkot na tugon niya
"At nag-aalala ako para sa aking papa. Pag may pagkakataon ay kukunin ko siya sa Manila at maghahanap kami ng lugar na malilipatan"
"Paano ang kabuhayan ninyo?" tanong nito
"Hahayaan n'yo na lamang ba iyon kay Donya Claudia?"
"Kung may magagawa lamang ako....."
Hindi kumibo si Lance. Naisip nitong tulungan si Chryselle, pero hindi pa siya handa. Isinisisi niya sa kanyang papa ang lahat ng kanyang kabiguan lalung-lalo na sa pag-ibig. Biglang paghihiganti ay gusto rin niya itong biguin sa nais nito para sa kanya. Hindi niya gagamitin ang kanyang propesyon upang pasakitan ito.
Ang katahimikan ay binasag ng di-inaasahang pagdating ni Bruno.
Yumukod ito at nagbigay-galang.
"Pinapunta ho ako rito ng Senyor upang ipasundo kayo, Senyorito" sabi nito
Uminom ng tubig ang binata bago nagsalita.
"Bakit daw?"
"Ipinsasabi ng Senyor na gusto na niyang magkaroon ng mga apong lalaki" sagot nito
"Sa katunayan ay may napili na ho siyang babaeng mapapangasawa ninyo"
Nagtagis ang mga bagang na bigla itong tumayo
"Ano'ng karapatan niyang pumili ng babae para siyang maging asawa ko?"
Hindi naitago ang galit sa mukha.
"Hindi ko na mapapahintulutang gawin niya ito sa akin. Hindi na siya magtagumpay"
Salubong ang mga kilay na binalingan nito ang utusan.
"Ngayon din ay bumalik ka ng Manila at sabihin mo kay Papa na hindi pa tapos ang aking pagbabakasyon. Gusto kong magpahinga at ayoko pang mag-asawa. Sabihin mo rin sa kanya na kung sakaling mag-aasawa ako, ako ang dapat na pumili at hindi siya!"
ABANGAN......
VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Historical FictionHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...
