Chapter 9

105 14 0
                                    

Chapter 9

Napakaganda nang umagang iyon. Mula sa balkonahe ay natanaw ni Chryselle si Lance habang ang lalaki ay nasa dalampasigan at ipinipinta ang sumisikat na araw. Mabilis ang mga kamay nito sa pagpipinta at siya ay napahanga rito.

Minsan ay naisip niyang ano kaya kung siya ang ipinta nito? Tiyak niyang hindi niya kayang makipagtitigan dito nang matagal.

Mayamaya ay iniwan nito ang ginagawa at kinausap si Manong Willy na nang mga sandaling iyon ay papalulan ng Bangka. Pumasok sa loob ng bahay ang matanda at sa pagbalik nito ay iniaabot na nito sa amo ang isang baril.

"Mangangaso ako" narinig niyang paalam ni Lance at pagkatapos ay tinungo na nito ang di-kalayuang gubat.

Namalayan niya ang sariling lihim na nakasunod sa lalaki.

Napakaganda ng gubat dahil sa matataas na kakahuyan dito. Napangiti si Chryselle habang binabaybay ang daan sa loob niyon at pinagmamasdan ang luntiang paligid. Noon lamang siya nakadama ng ganoong kalayaan. Ah, mas magiging maligaya sana siya kung kasama niya si Mathew.

Nalungkot siya nang maalala ang kasintahan, ngunit kahit ano ang kanyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay nito.

Napakislot siya nang makarinig ng mga putok sa di-kalayuan at naalala niyang sinusundan nga pala niya si Lance. Gusto niyang Makita kung paano mangaso ang isang matapang na lalaki.

At nanlaki ang kanyang mga mata habang nakakubli sa isang punong-kahoy at nakamasid sa binata. Asintado ang bawat hayop na binabaril nito, ibon man, daga o usa. Noon lamang siya nakakita ng ganoon kahusay mamaril.

Mayamaya ay tumigil ito sa ginagawa. Nagpahinga ito sa lilim ng isang puno habang nakatitis sa batis. Kay linaw ng tubig niyon. Pumasok sa isip nito ang isang alaala. Minsan ay masaya silang naligo ni Anette sa batis na iyon.

Tumayo ito, pagkaraan at lalong nanlaki ang mga mata ni Chryselle sa pinagkukublihan nang makitang naghuhubad ito. muli niyang nasilayan ang matipunong pangangatawan nito na walang saplot. Hindi nagtagal ay lumusong ito sa batis at lumangoy.

Hindi siya makatinag sa kinatatayuan. Ano itong ginagawa niya? hindi nararapat sa isang disenteng babae ang lihim na magpakasawa sa pagmamasid sa isang binatang naliligo sa batis.

Hindi niya napansin na ang kinatatayuan niya ay hindi patag; pababa iyon at basa pa ang lupa. Sa minsang pagpihit niya ay nadulas ang kanyang isang paa. Napatili siya nang malakas nang tuloy-tuloy siyang dumausdos pababa hanggang sa pampang ng batis.

Nagitla ang nasa tubig na si Lance nang Makita siya sa pampang.

"Ano ang 'yong ginagawa rito?" kunot-noong tanong nito

Hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa pananakit ng katawan. May kataasan din ang kanyang pinanggalingan at pakiramdam niya ay nabali ang kanyang mga buto sa balakang at binti. Maski ang hindi pa gaanong magaling na sugat sa kanyang likod ay bahagyang kumirot.

Para namang pinagpawisan nang malamig si Lance nang Makita ang kanyang hitsura. Nawawala ang kanyang saya! Pagbaling nito sa itaas na bahagi ay nakita nito iyon na nakasabit sa isang sanga ng punong-kahoy.

Muli ay hindi nito napigilan ang sariling ibalik ang mga mata kay Chryselle. Napakaputi at napakakinis ng mahahabang hita at binti niya. Natulala ito.

Nang maglaon ay napansin niya ang pagkakatigagal ng binata. Saka lamang niya natantong siya ay para nang hubad. Wala ang kanyang saya at nang Makita niya iyong nakasabit sa sanga ng punong-kahoy ay pinilit niyang tumayo upang kunin iyon, ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa dahil sa sakit ng pagkakabagsak niya.

"Sandali" sabi nito.

"Hintayin mo ako riyan at tutulungan kita"

"Hindi!" maagap niyang pigil bago pa man ito makaahon sa tubig.

Alam niyang ito ay hubo't hubad at hindi na niya nais na tumambad sa kanya ang katawang iyon na nagging dahilan ng kanyang pagkakahulog. Baka sa pagkakataong iyon ay himatayin na lamang siya.

"Bakit?" nagulat nitong tanong.

"Ayokong makita ka" namumula ang mga pisnging sabi niya habang hindi makatingin nang tuwid ditto.

"Ikaw ay walang saplot"

Napangiti ito. "Diyata't alam mong wala akong saplot? Siguro ay kanina mo pa ako pinanonood"

Lalong pinamulahan ng kanyang mukha. Nakita niyang titig na titig sa kanya ang lalaki kaya mabilis niyang hinubad ang nakapatong na kimono sa kanyang blusa upang ipantakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi lamang sa pagkapahiya kung kaya namumula ang kanyang mukha kundi dahil sa inis at panggigigil sapagkat nakuha pa nitong pagsawaan siyang tingnan sa kanyang kahiya-hiyang ayos.

"Ipikit mo ang iyong mga mata!" naiinis na sabi niya

"Huwag mo akong tingnan! Magbihis ka!"

"Paano ako makakapagsuot ng damit kung hindi ako aahon dito?" nakangising tanong nito

"Bahala kang mag-isip ng paraan basta't huwag mong ipapakita sa akin ang iyong sarili!"

"Kung gano'n ay pumikit ka na lamang habang ako ay umaahon" suhestyon nito

Bubulong-bulong na ipinikit niya ang mga mata. Lumipas ang ilang sandal na ang tanging naririnig niya ay ang tunog ng pag-ahon nito sa tubig.

Masyado nang matagal ang lumipas para hindi pa makapagbihis si Lance. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nagsusuot pa lamang ito ng pantalon.

Gigil na napasigaw niya.

"Bilisan mong magbihis!"

Natatawang napapailing ito sa kanyang hitsura. Nang matapos ay isinukbit nito sa balikat ang baril bago kinuha ang saya ni Chryselle sa sanga ng punong-kahoy at ibinalik sa kanya. Mabilis niyang isinuot iyon.

Ngunit hindi pa rin niya magawang lumakad nang hindi nasasaktan kaya minabuti ng lalaki ang buhatin na lamang siya pauwi ng bahay.

"Sinusundan mo ako" hula nito

"Hindi" mabilis niyang kaila

"Sinabi ni Manang Nene na ligtas ang gubat at walang tulisan kaya naisipan kong mamasyal"

"Sa mismong pinuntahan ko?" di-kumbinsidong tanong nito

"Hindi ko alam na naroroon ka"

"Kanina lamang ay nakatayo ka sa balkonahe at nakatingin sa akin" sabi nito

"Tiyak na nakita mo ang pag-alis ko at kung saan ako patungo"

"Sinabi nang hindi ko alam na naroroon ka" napipikang sabi niya

Natatawang ipinagpatuloy na nito ang paghakbay hanggang sa makarating ng bahay. Ibinaba siya nito sa kama.

"Gusto mo bang hilutin ko ang mga binti mo?"

"Hindi na" mabilis na tutol niya

"Si manang Nene na lang"

Tumango lamang ito at tinawag ang matandang babae.












ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Hindi Ko Masabing Akin Ka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon