CHAPTER 7 ×__×
Sinamantala ni Chryselle ang kadiliman ng gabi upang lumabas sa bahay-bakasyunan ni Lance.
Tumakbo siya patungo sa dalampasigan at sumakay sa bangkang nakadaong doon. Marahan siyang sumagwan hanggang sa umusad ang Bangka.
May luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa dagat. Sa dilim, ang ibabaw niyon ay parang kumot na itim na nagluluksa at nakikiramay sa kalungkutan niya sa pagkawala ni Mathew.
Biglang umalingawngaw ang malakas na tinig ni Lance mula sa balkonahe ng bahay.
"Chryselle!"
Hindi siya tumigil. Ni lumingon man lang sa lalaki.
"Chryselle!" ulit nito na ngayon ay patakbo nang lumapit sa dagat.
Nagpatuloy siya sa pagsagwan dahil ang nais niya ay makalayo sa lugar na iyon. At kung hindi man siya palarin na makabalik sa kanila,hahayaan na niyang mahulog siya sa tubig at lamunin ito. Sa ganoong paraan ay magkakasama na sila ni Mathew sa kabilang buhay.
Mahusay lumangoy si Lance at dahil sa hindi naman sanay mamangka ni Chryselle, madali siya nitong naabutan. Pinigilan nito ang Bangka at sumakay roon.
"Saan mo ba balak magtungo sa ganitong oras ng gabi?" tanong nito
"Hindi ko alam" patuloy sa pagsagwang sagot niya
"Ayoko rito. Hindi ko kayang mabuhay nang matagal dito"
"Wala ka nang babalikan sa inyo" sabi nito
"Lalo kang pagmamalupitan ng 'yong Tiya Claudia dahil sa ginawa mong paglalayas. Pagtatawanan ka ng mga tao dahil sa pagdungis mo sa malinis na pangalan ng 'yong ama. Isa pa, mapapahamak ka lang sa 'yong daraanan"
"Mabuti nga iyon at nang magkasama na kami ni Mathew" naiiyak niyang sabi
"At hindi ba't namumuhi ka sa mga babae? Hayaan mo na akong mapahamak"
"Tigilan mo ang kabaliwang ito, Chryselle!" sigaw ni Lance sa kanya
"Mas mababaliw ako sa lugar na ito!" sigaw rin nito
Sa biglang niyang pagtayo ay nawalan ng balance ang Bangka at bago pa sila nakahuma ay tumaob na ito. Kaagad siyang pumailalim sa tubig.
Sisingap-singap na sumungaw siya sa ibabaw niyon at nakita niyang nakamasid lamang si Lance na tila walang planong sagipin siya sa pagkakalunod.
Muli ay hinila siya ng malakas na puwersa pailalim sa dagat. Pinilit niyang maisungaw muli ang ulo at itinaas pa niya ang mga kamay.
"Saklolo!"
Saka lamang kumilos ang lalaki upang tulungan siya. Tangan siya, lumangoy ito patungo sa dalampasigan. Inihiga siya nito sa buhanginan at tinulungan siyang mailabas ang nainom niyang tubig hanggang sa umubo siya nang umubo.
Pagkatapos ay humihingal na napatingin siya sa binatang nakaluhod sa kanyang tabi. Naisip niyang hindi pala niya kayang magpakamatay.
"Akala ko ba'y gusto mo nang sumunod kay Mathew sa kabilag buhay?" tanong nitong nakangisi pa
"Bakit humingi ka ng saklolo?"
"At akala ko ba'y namumuhi ka sa mga babae?" asik niya
"Bakit mo ako iniligtas?" tanong niya
"Dahil sa isang pangako" sagot nito
"Hindi ako sumisira sa binitawang pangako"
"Kaya pala sinira mo ang pangako mong dadalhin ako kay Mathew?" umingos siya
"Ginawa ko lamang iyon upang huwag kang biglain at para mailayo ka sa Manila" rason nito
"Pumasok ka na sa loob at ayusin ang 'yong sarili"
"Napakatigas ng 'yong ulo. Hindi pa lubos na magaling ang 'yong sugat ay kung ano-ano na ang gusto mong gawin"
"Ang sabi ni manang Nene ay magaling na ito"
"Hindi mo pa rin dapat abusuhin ang 'yong katawan" nakakunot-noo ito
Mayamaya ay hinawakan siya nito sa kamay at inalalayang makatayo.
Hindi niya alam kung bakit animo'y nagising ang kanyang buong kaluluwa nang magdaop ang kanilang mga palad. Para siyang nakuryente at nakaramdam ng kilabot.
Napatitig siya sa katawan ni Lance na nakabakas sa suot nitong kamiseta. Parang kay sarap magpakulong sa matitipuno nitong bisig. Parang kay sarap humilig sa balikat nito.
Ngunit hindi niya magawang tumingin sa mukha nitong hindi kanais-nais para sa kanya. Kung maari lamang ay siya ang aahit ditto at gugupit sa mahaba nitong buhok.
Nang tumingin ito sa kanya ay saka lamang siya parang natauhan. Pinili niyang magpatiuna na sa paghakbang kaysa mabasa nito ang laman ng kanyang isip.
Nanatili ito sa kinatatayuan, ngunit ang mga mata nito ay nakasunod sa kanya. Nawala sa kanyang isip na ang suot niya ay isang manipis na sedang pantulog na nang mabasa ng tubig ay dumikit sa magandang hubog ng kanyang katawan.
Pilitin man ni Lance na iiwas ang paningin ay hindi nito magawa. Gandang-ganda ito sa katawan ni Chryselle. Kaakit-akit siya, kaibig-ibig. Ngunit hindi! Hindi na ito mapapaibig muli ng kahit na sinong babae. Kahit pa iyon na ang pinakamagandang dilag sa buong mundo.
Samantala, nang pumasok sa kanyang silid at mapagmasdan sa malaking salamin ang sarili niya ay saka lang natuklasan ni Chryselle ang kanyang hitsura.
"Diyos ko!" napatakip ng kamay sa bibig na sabi niya
"Isang malaking kahihiyan na naman ang nagawa kong ito! Nakita kaya niya?"
Sumilip siya sa bintana at natanaw niynag nakatayo pa rin sa dalampasigan si Lance.
"Marahil nga"
Napakagat-labi na lamang siya.
Katahimikan ang namayani sa harap ng agahan kinabukasan. Sariwa pa sa isip ni Chryselle ang nangyari nang nakalipas na gabi at hindi niya kayang tumingin nang tuwid kay Lance.
"Napag-isip-isip kong wala idudulot na mabuti sa akin ang itago ka nang matagal dito" basag nito sa katahimikan
"Isa pa'y gusto mo na rin lang bumalik sa inyong bahay sa Manila. Pagdating ni manong Willy mula sa bayan ay ipapahatid kita sa sakayan ng lansa"
"Pauuwiin mo na ako?" kinabahang tanong niya, sabay tingin dito.
"Oo at bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo"
ABANGAN......
VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Historical FictionHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...