CHAPTER 12 @__@
Dumilim na ang paligid at ang hangin ay lalong lumamig. Namalayan niya ang sarili na ipinikit ang mga mata at kasunod niyon ay nalasap niya ang matamis na halik ni Lance.
Nanginig ang kanyang buong katawan. Noon lamang niya naranasang mahalikan ng isang lalaki sa kanyang mga labi. Maging si Mathew ay hindi pa iyon nagagawa sa kanya. Pakiramdam niya ay kinikiliti ng balbas ni Lance ang kanyang baba habang lumalalim ang mga halik nito.
Anong kapangyarihan mayroon ang lalaking ito upang magpaalipin siya nang ganoon kahit kalian lamang niya ito nakilala?
Sa naisip ay bigla siyang nagmulat ng mga mata at marahan itong itinulak palayo sa kanya.
"C-Chryselle" mahinang sambit nito.
Malungkot ka, sa isip niya habang nakatingin dito. At ginagawa mo akong kasangkapan upang mapawi ang 'yong kalungkutan at pangungulila kay Anette.
Mabilis siyang tumayo at nangilid ang luhang tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
Napabuntong-hininga nang malalim si Lance habang sinusundan siya ng tingin.
Habang lumilipas ang mga araw at hindi natatagpuan si Chryselle, lalong umiinit ang ulo ni Claudia. Alam niyang naiinip na si Gregorio at oras na hindi ito nakapaghintay, tiyak na maghahanap ito ng ibang babaeng pakakasalan.
Ngayon pa namang patuloy ang pagyaman ng pamilya nito. Hindi niya mapapayagang hindi iyon mapabilang sa yamang kinakamkam niya kay Don Alberto. Labis na ang pagkasilaw ng babae sa salapi.
Kailangang tingalain siya at katakutan ng lahat dahil sa kayaman. Ang sinumang may malaking yaman ay labis ang kapangyarihan. Iyon ang gusto niyang makamit kahit siya ay isang Filipina.
Hindi siya mapapabilang sa mga Pilipinong nagagawang pagmalupitan ng mga Kastila dahil sa karukhaan.
"Claudia..."
Mula sa sala ay napahangos sa silid ang babae nang marinig ang pagtawag ni Don Alberto nang gabing iyon.
"Nauuhaw ako" sabi nito nang mapasukan niya sa silid.
"Tawagin mo si Marissa at hindi ako!" di-nakapagpigil na sigaw niya
"Hindi ako alila, Alberto!"
"Nananabik na akong Makita at makausap si Chryselle. Nasa'an na siya, Claudia? Bakit hindi ko na siya nakikita?"
Nagsusumamo ang tinig ng paralitiko.
"Gusto mong malaman ang totoo?"
Nanlalaki sag alit ang mga mata niya habang lumalapit sa kama ng maysakit.
"Wala na si Chryselle. Umalis! Lumayas! Hanggang ngayon ay hindi pa siya natatagpuan. Marahil ay patay na siya! Patay na!"
"Hindi!" gimbal at biglang naluhang saad ni Don Alberto
"Totoo ang sinabi ko!" patuloy na sigaw niya.
"Kaya tigilan mo na ang katatanong tungkol sa kanya. Ang 'yong anak ay matigas ang ulo. Isang kahihiyan! Isa siyang malaking dungis sa 'yong magandang pangalan!"
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" tanong nito
Unti-unti ay nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib.
"Saan mo dinala ang aking anak?"
"Kusa siyang lumayas, narinig mo?" nanlilisik ang mga matang sagot niya.
"Isa siyang suwail. Ang dapat sa kanya'y mamatay! Mamatay!"
"Hindi! Hindi!"
At hindi na nga nakayanan ni Don Alberto ang masaklap na balitang iyon. Tuluyan na itong inatake sa puso.
Nang hindi na humihinga ang Don ay nakataas-noong ngumisi si Claudia.
Kasabay ang isang malakas na pagsigaw ay napabalikwas si Chryselle; alas doce na iyon ng gabi. Nagising kaagad si Lance na nasa kabilang silid at pahangos na napatungo sa silid niya.
"Ano'ng nangyari?" nag-alalang tanong nito nang makitang nakaupo sa kama ang dalaga na luhaan at waring takot na takot.
"Nakita ko si Mathew kasama si Papa" sabi niya sa pagitan ng mga hikbi
"Magkahawak-kamay silang nakalutang sa hangin..... malungkot, tumatangis"
Nakahinga ito nang maluwag.
"Isang panaginip lamang iyon, Chryselle"
"Ngunit parang totoo. D'yan ko sila nakita" turo niya sa paanan ng kama.
"Sshh...."
Niyakap siya nito nang mahigpit habang masuyong hinahagod ang kanyang mhabang buhok.
"Inuulit ko, isang panaginip lamang iyon. Isang panaginip lamang"
Humilig siya sa balikat nito at humikbi.
"Hindi ko alam kung makakatulog pa ako nang mahimbing"
"Nais mo bang dito ko patulugin si Manang Nene upang maibsan ang 'yong kaba?"
"Pakiusap"
"Sige, bumalik ka na sa 'yong pagtulog"
Maingat siya nitong inalalayan para muling humiga sa kama at pagkatapos ay marahan nang tinungo ang pinto, ngunit hindi ito kaagad umalis doon. May ilang sandaling pinagmasdan nito ang dalaga.
"Umiibig na yata ako sa iyo" sabi nito sa isip.
"Hindi dapat dahil ayoko nang masaktang muli, ngunit hindi ko naman mapigilan ang aking sarili. Isa kang kaibig-ibig na babae, Chryselle"
"M-may nais ka pa bang sabihin, Lance?" tanong niya nang manatili ito sa pintuan.
"G-gusto ko lang makatiyak na hindi ka na matatakot" mahinang sagot nito.
"Sige, papupuntahin ko na rito si Manang Nene" tuluyan na itong lumabas
Nanatili ang kaba sa dibdib ng dalaga habang iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Hindi mawaglit sa isip niya ang kanyang panaginip at nag-alala siya nang husto para sa kanyang papa.
Kahit papaano ay nakatulog nang mahimbing si Chryselle dahil sa pagsama sa kanya ni Manang Nene nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil nais niyang makausap si Lance. Hindi niya alam kung iyon ay dahil nais niya itong pasalamatan o dahil nananabik lamang siyang Makita ito at marinig ang maginoo niton tinig.
Sa kusina, ang agahan ay nakahanda na sa mesa, ngunit walang tao roon nang bumaba siya. Tumuloy-tuloy siya sa balkonahe at natakot nang may makitang isang estrangherong mabagal na naglalakad sa dalampasigan. Nilalaro nga maliliit na alon ang hubad na mga paa nito.
ABANGAN......
VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Fiction HistoriqueHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...