Chapter 4 =__=
Samantala, sa tahanang ng mga Alcantara....
Nasa mukha ni Claudia ang sobrang pagkaalibadbad habang binibihisan si Don Alberto. Katatapos lamang niyang paliguan ang asawa. Si Chryselle ang malimit gumagawa niyon kaya ngayong wala ito ay hindi maipinta ang mukha ng kunsumidong babae.
"Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Chryselle, Claudia" pagkuwa'y sabi ng Don
Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan ang asawa, hindi malaman ang isasagot nito.
"Claudia...."
"Hay, Alberto! Huwag mo nang asahang makakaalala pang pumasok sa silid na ito ang iyong anak" pagkaraan ay sagot niya at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
"Masyadong umiibig kay Diego ang anak mo para maalala ka pa"
Nalungkot si Don Alberto na halatang hindi makapaniwalang magagawa iyon ng dalaga.
"Unawain mo na lamang ang bata" mungkahi niya
"Tayo rin ay dumaan sa ganoon"
Binilisan niya ang ginagawa at nang matapos ay kaagad na lumabas ng silid. Ibinaba nya ang palangganang dala sa mesa at hawak-hawak ang laylayan ng saya na tinungo niya ang gwardia sa may tarangkahan.
"Ano'ng balita, Demetrio?"
"Hindi pa rin po matagpuan si Senyorita Chryselle ng mga naghahanap sa kanya" sagot nito
Simula nang naging paralitiko si Don Alberto ay si Claudia na ang nakasanayan nitong sundin.
"Subalit may balita ho akong natanggap na si Mathew ay yumao na. Ito ay nakaburol ngayon sa tahanan nito sa Los Banyos"
"Magpadala ka ng mga tao roon" utos niya
"Maaaring doon nagtatago si Chryselle. Hindi niya ako pwedeng takasan. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikitang ikinakasal sila ni Diego"
Pagkasabi niyon ay nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng bahay.
Sa bagal ng pag-usad ng barko, inabot ng mahigit kalahating araw bago nakarating sina Lance at Chryselle sa Laguan. Hindi iyon sa Los Banyos kung saan nakaburol si Mathew, hindi rin sa kabihasnan. Ang bahay na pinagdalhan nito sa dalaga ay nasa tabi ng dagat. Sumakay sila ng karwahe, ngunit hindi pa iyon umabot sa bahay-bakasyunan. Naglakad sila ng ilang kilometro bago nakarating sa sadya.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong napahanga ng dalaga ang kasama. Paano ay batid nitong ang isang katulad niyang lumaki sa yaman ay tiyak na hindi sanay mapagod. Kung iba lang ay magrereklamo na sa layo ng nilakad nila.
Ngunit para kay Chryselle, iyon ay isang bagong karanasan na nagparamdam sa kanya ng kalayaan.
Ang bahay-bakasyunan ay malaki at maganda. Ang mga halaman sa hardin ay halatang alaga. Mula sa bintana ng bahay ay tanaw ang mumunting along itinutulak ng hangin sa dalampasigan. Dinig din ang huni ng mga ibon na nagmumula sa malapit na gubat.
"Mathew" kaagad na pagtawag niya sa kasintahan nang makatuntong siya sa balkonahe.
Ibinaba ni Lance ang mga dalang gamit sa isang upuan bago ito naupo. Tahimik nitong pinagmasdan ang dalaga na patuloy sa pagtawag kay Mathew.
Nang mahalatang wala roon ang hinahanap ay humarap siya sa lalaki.
"Nasaan si Mathew?" tanong niyang punumpuno ng pananabik ang tinig.
"Hindi ko alam" mahina nitong sagot.
"Maaring umalis lang sandal. Nagugutom ka na ba? Magpapahanda ako ng pagkain"
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Fiction HistoriqueHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...