CHAPTER 2 ¤__¤
"Alam kong ikaw lamang ang makakapagliwanag sa akin kung bakit siya nagpakasal sa iba, Mathew"
Hindi kaagad nakasagot ang lalaki sa narinig na sinabi ni Lance. May lungkot sa mga mata nito sa muling pagtingin sa kanya. Alam nitong ang tinutukoy niya ay ang pinsan nitong si Anette.
Isang malalim na pagbuntung-hininga ang pinakawalan nito bago tumayo at malungkot na tumanaw sa labas ng bintana.
"Ginusto niya ang nangyari" saw akas ay sagot nito.
"Ginusto niyang magpakasal sa isang mayamang mestizo"
"Hindi totoo 'yan. Nagsisinungaling ka" mariing sabi niya
"Hindi magagawa ni Anette ang kataksilang iyon sa akin. Nangako siyang maghihintay sa aking pagbabalik. Hindi niya magagawang sarain ang pangakong iyon. Alam kong pinilit lamang siya ng kanyang mama na magpakasal sa Diego Aguilar na iyon"
Napatingin ito sa kanya.
"Paano mo nalaman na kay Deigo Aguilar nagpakasal ang aking pinsan?" taking-tanong nito
"May sulat akong natanggap galing sa isang kaibigan" sagot niya
"Isa pa, kilala ng pamilya naming ang mga Aguilar. Gustong-gusto ko ng umuwi nang malaman kong ikakasal na sina Anette at Deigo, ngunit hindi ako pinayagan ng aking ama"
"Sana ay napigilan ko ang kasal. Sana ay kami ni Anette ang magkasama ngayon" nangingilid na ang kanyang mga luha ng ito'y sabihin.
"Akala ko ay katapusan na ng mundo, Mathew. Nagdurusa ako habang nasa Europa at paulit-ulit na naaalala si Anette" lumalandas ang masaganang luha sa kanyang mata.
"Mag-iisang taon na siyang kasal at sa tingin ko naman ay masaya siya kay Deigo" sabi nito
"Kalimutan mo na siya, Lance"
"Siya ang una at huling babaeng mamahalin ko" napatiim-bagang niyang sagot
"Alam kong alam mo 'yan, Mathew. Magmula ng ipakilala mo siya sa akin noon ay hindi na siya nawaglit sa aking isip. Kinamuhian ko si Papa ng dalhin niya ako sa Europa at inilayo kay Anette" nanlilisik ang kanyang mata habang inaalala ang nanyari noon
"Iyan ba ang tunay na dahilan kung bakit pinabayaan mo ang iyong sarili?" tanong ng kaibigan
"Hindi sa pagkakasubsob sa pag-aaral ang dahilan ng pagpapahaba mo ng buhok, pagpapatubo ng bigote at balbas at pag-aanyong isang miserableng tao. Ginawa mo iyan dahil kay Anette. Dahil alam mong wala ka ng uuwian dito sa Manila"
"Wala na nga bang pag-asa para sa aming dalawa?" pagsusumamo nito
"Huwag ka ng umasa" malungkot nitong sabi
"Maaari pa kung hanggang ngayon ay mahal ka pa rin ni Anette. Ngunit alam kong matagal ng nawala ang pagmamahal niya sa 'yo. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang ambisyon. Naisip niyang masyado kang malayo at walang katiyakan kung kalian makakauwi."
"Gustong-gusto na niyang mamuhay sa sobrang kasaganaan, makihalubilo sa mayayamang tao at ituring na kauri rin ng mga ito. Hindi siya nagdadalawang-isip na tanggapin ang panliligaw ni Deigo. Ang kanilang kasal ay isa sa pinakamalalaking kasalang naganap sa Manila at iyon ay-----"
"Tama na, Mathew!"
Tumayo siya ta pilit pinaglalabanan ang luha na humarap sa bintana.
"Ako na ang humihingi na kapatawaran sa ginawa ng aking pinsan" humingi siya ng paumanhin nito
"Hindi na sana nangyari ang ganito kung hindi ko siya ipinakilala sa'yo. Alam kong napakasakit nito para sa'yo at hindi pa man ay alam kong malapit ko na ring maramdaman ang kung anumang pinagdadaanan mo ngayon"
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Masabing Akin Ka
Historical FictionHighest Rank #52 Sa mga lihim na pagsulyap pa lamang ni Chryselle, alam na ni Lance na wala itong tiwala sa kanya. Dangan kasi ay mas mukha siyang tulisan ngayon kaysa sa katotohanang siya ang tanging heredero ng kayamanan ng mga Santillan. Kung hi...