It's frustrating when you can't explain the shit you feel.
***
Mady's POV
"BESTFRIEND, pwede ka ngayon? Samahan mo naman ako?" Pangungulit sa akin Xander habang kumakain kaming apat. Bale ganito ang pwesto namin... si Xander at ako ang magkatabi tapos sa harap naman namin si Louie at Zion. Kaharap ko si Zion, si Xander at Louie naman.
Simula kagabi ay hindi na kami nagpapansinan. Awkward nga ng sitwasyon namin. Si Louie at Xander lang ang nagsasalita at nagoopen ng topic.
"Huh?"-ako
*cough*- Zion.
"Okay, ka lang Zion?" Tanong ni Xander, binigyan naman siya ng tubig ni Louie. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Kaya nang tumingin ako sa kaniya ay nakatingin din pala siya sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin. His eyes were asking for forgiveness of me. Agad kong inalis ang mata ko sa kaniya, yumuko at bumaling sa pagkain.
Inusog ni Xander ang upuan niya sa akin, magkadikit na tuloy ang mga ito. Umakbay siya sa likod ng aking upuan, bago inilapit ang mukha niya sa taenga ko para bumulong.
"Samahan mo ako mamaya, please?"
Nilingon ko siya sa gilid ko na nakangisi.
"Saan ba?" Mahinang usal ko habang ngumunguya.
"Manunuod ng bagong pelikula ng Kathniel." He whispered again. Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa sinabi ni Xander. Woooh! Humagalpak ako ng tawa sa harap nilang tatlo.
Kaya pala pabulong bulong e.
He put his hand on my thigh kaya natigil ako. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at inalis ito pero hinuli niya ang kamay ko at hindi na pinakawalan. Magkahawak tuloy kami ng kamay. I glared at him, he just laughed.
"Seryoso?" Bulong ko. Hindi naman kasi siya iyong tipong mahilig sa mga romance movies. Gago ito pagdating sa love. Knowing Kathniel sobrang nakakakilig sila mapa-movie of real life pa.
Pinisil niya ang kamay ko na hawak niya kaya napatili ako ng mahina.
"Do I look like kidding? Seryoso nga."
Tumawa na naman ako.
"May ganyan ka rin palang personality, Xander. 'Di ko akalain. Hahahaha!" Natatawang komento ko.