Chapter 1: Knowing Her

6K 126 7
                                    

But once you make one mistake, it's never forgotten.

****

3rd Person's Pov

Sa loob ng sasakyan ay pinapagalitan ng isang matanda ang kaniyang apo. Panay ang sermon n'ya rito kung bakit hindi nagtatanda sa mga pangaral niya.



Sino ba naman kasing hindi magagalit, kung linggo-linggo mong nakikita at nakakausap ang mga guidance counselor sa school niya?



Pinatawag na naman siya sa school nito, dahil sa pagsagot nang papilosopo sa kaniyang teacher at pagcutting sa klase.



Habang nagsesermon ang Lola niya. Nakasaksak naman ang headphone sa taenga ng dalaga at ito'y nakikinig lamang ng rock music. Kaya ang sermon ng lola nya ay balewala lamang.


Galit na hinablot ng lola niya ang nakasabit sa taenga nya.


"Kailan ka ba makikinig sa mga pinagsasasabi ko sayo, Mady? Matanda na ako! Para rin naman ito sayo, huh?" Inis na singhal ng matanda.



Ngunit tila ba wala itong narinig. Binuksan ni Mady ang pinto ng sasakyan, bumaba siya at walang pakialam na tumakbo palayo sa kaniyang Lola, sa Lola niyang kumupkop mula nang siya'y maulila.


"Hayyyy!" Buntong hininga ng matanda sa loob ng kotse.


Natakasan na naman sya ng brat nyang apo. Hindi na siya na high blood pa sa inasal ng kaniyang apo, dahil hindi na rin naman bago sa kanya ang ganitong eksena nilang dalawa. Mas malupit pa nga rito ang ibang eksena.


"Mady, paano ba kita mapapatino?" Malungkot na usal ng matanda sa loob ng sasakyan habang tinatanaw ang kinauupuang nilisan ng apo.


Mady's Pov

Do I need to introduced myself?

Oh well, I'm Audrey Margarette Pascual. Mady, for short.



Suot ko ang headphone sa aking taenga habang naglalakad sa gilid ng kalsada, nang may biglang isang kotse ang nagstop sa gilid ko. Muntik na akong masagasaan kaya masama ko itong nilingon.



Tainted ang salamin ng sasakyan. Kaya para mapagsabihan ang taong nasa loob nito, nagtungo ako sa driver seat at kinatok ang bintana nito nang malakas.


Eh, muntik na talaga akong mabangga!


"Are you going to kill me, huh? Hoy! Walang hiya ka! Lumabas ka dyan! Hoy! Gago!" Lumabas naman ang driver at laking gulat ko nang ang driver nito ay ang----


"Bes!" Yakap namin sa isat-isa. Pero hindi pa rin sya makakaligtas sa akin.

The Punished Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon