Chapter 20: Officially my Cheerleader

2.3K 79 0
                                    

All I need is my favorite person.

***

Mady's Pov

"Bes, si Zion naaksidente raw sa gym habang naglalaro ng basketball!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa usapan ng dalawang babae sa harap ko.

Totoo ba ang narinig ko? Naaksidente si Zion? Napansin ko rin na ang mga estudyante ay papunta sa gym ng school.

Tatanungin ko sana ang dalawang babae pero nakaalis na sila.


Humarang ako sa isang babae na tumatakbo.


"Teka lang." Tumaas ang kilay niya sa akin.
"Bakit lahat nagpupuntahan sa gym? Anong meron?"


"Marites," pagtataray nito.
"Si Zion daw kasi ay naaksidente habang naglalaro ng basketball. Nabagok ang ulo."

"Ano?" Itinulak ko ang babae. At agad na tumakbo sa gym.



Malayo pa ako sa gym ay naririnig ko na ang malakas na tugtog ng kantang cheerleader.

Oh I think that I found myself a cheerleader
She is always right there when I need her

Pero nangd dumating ako ay biglang nawala ang musika.

Bakit ganiyan pa sila? Alam na nilang may naaksidente tapos nagagawa pa nilang magpatugtog nang ganiyan kalakas.


Mas lalo akong nagulat nang tila wala naman nangyaring aksidente.





Puno ng petals ang dinadaanan ko, imbes na dugo at medical kit ang makita ko.




Nagulat ako nang may mga lalaking humarang sa harap ko at bigla itong tumalikod isa isa from my left to right.



Sa likod nila ay mayroong mga nakadikit na letra.




"C-a-n y-o-u b-e m-y g-i-r-l?"




Bulong ko nang mabasa ko ang nakasulat.


Mukhang may magpopropose pa 'ata.




Kailangan kong mahanap si Zion. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nadala na kaya siya sa clinic or hospital? Sabi nang natanungan ko ay nabagok daw ang ulo.




"Nasaan si Zion?" Tanong ko sa isang ka-team niya, ngunit tila wala itong narinig at hindi man lang ako pinansin.


Patuloy pa akong nagtanong tanong kung nasaan si Zion, ngunit ni isa ay wala man lang talagang kumausap sa akin.


"Ano ba? Nasaan si Zion? Bakit wala kayong pakialam sa kaniya? Naaksidente si Zion! Inuna niyo pa 'yang kalandian niyo kesa sa ka-team niyo. Kapag talaga may nangyaring masama sa lalake na' 'yon at namatay... hindi ko kayong lahat mapapatawad. Kayo ang sisisihin ko dahil hindi niyo agad siya pinaalam sa akin," sigaw kong may pagbabanta. Lahat ay napatingin sa akin at tila'y hindi makapaniwala. Meron akong mga nakitang napangiwi at nagbulungbulungan.

The Punished Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon