Chapter 8: Lover Playboy

2.7K 74 2
                                    

Libro nga naagaw, mahal ko pa kaya.

***

Louie's Pov



Napakaboring ngayon dito sa condo, wala ang dalawang Kuya ko... ngayon lang yata ako naboring mag-isa.




Si Xander, naghahanap na naman siguro ng chix. Ewan ko nga ro'n kay Xander nitong mga nakaraang araw, laging malalim ang iniisip. Iisipin ko sanang broken hearted, pero asa namang mangyayari iyon. Playboy ang gago at proud pa talaga siya sa title na iyon.






Si Zion naman maagang umalis, may aasikasuhin sa bar dahil sa nangyaring gulo kagabi. Si Mady naman tulog pa rin hanggang ngayon. Gigisingin ko sana kaya lang nagbilin ang boss nating si Zion na huwag itong gigisingin. Well, kawawa naman pala si Mady. Kailangan niya rin talagang magpahinga.



Pero hindi ko rin maiwasang manibago dahil sa aming tatlo, si Zion ang pinaka-harsh kay Mady. Walang consideration sa kahit anong may tungkol kay Mady tapos biglang... ang bait.



Anyari, brad? Bumaliktad na ba ang mundo?




Mabuti pa magbasa na lang ako ng libro. Pumunta ako sa bookshelves ng kwarto ko. Hay! lahat ko na pala ito nabasa. Wala na akong bagong librong babasahin. Kaya naman, nagbihis ako at lumabas papuntang national bookstore. May nakita rin akong isang babae na pumipili ng libro sa paborito ko ring author. Kukunin n'ya na sana ang libro sa shelf nang maunahan ko siyang abutin ito.






Ako na ngayon ang may hawak ng libro. Hindi niya akalaing kukunin ko rin ito. Tsss... bagal kasi kumilos.






"Akin na yan. Nakita mong ako ang nauna tapos kukunin mo! Baliw ka ba?" Sigaw n'ya sa akin. Lahat tuloy ng mga tao na bumibili sa bookstore ay napatingin sa amin. Iba rin ang babae na 'to, hindi nahihiya. Sayang napansin ko pa namang maganda siya.


"May pangalan mo ba? Ikaw nauna, bakit nasa akin?" Ngumisi pa ako sa kaniya nang mapangasar. Mas lalo siyang naging tigre, pero maganda pa rin talaga.



"Grrrr. Nakita mong kukunin ko na sana 'yan pero sumingit ka at kinuha mo sa akin. Mang-aagaw!" Sabi n'ya sa akin na galit na galit.



"Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pabagal bagal kung ayaw mong maagawan at makitang hawak na ng iba ang gusto mo." Natahimik siya at napanganga sa sinabi ko. Nakuha ko pang humugot, akala n'ya siguro may pinagdaraanan ako.





"Kung may pinagdaraanan ka, huwag mo akong isama at ang libro ko. Ako ang nauna, kaya dapat akin 'yan. Akin na iyan!" Hinabol n'ya ako papunta sa counter. Inilabas ko ang wallet ko at bumunot ng pera na pambayad. Ngumiti nang pabebe sa akin 'yong cashier na nagassist. Mukhang natype pa ako.






Lumingon ako sa babae na nakasunod pa rin sa akin at pilit inaangkin ang libro.




"Sa akin na siya. Nabayaran ko na. Lesson learned. Huwag pabagal bagal kung ayaw mong makitang hawak na ng iba." Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng store.



Bago ako tuluyang makalabas ay narinig kong sumigaw sa akin 'yong babae.





"Grrrr. I hate you! Jerk!" Lahat ng iyon bad words, pero napangiti ako. Shit ang ganda niya kasi. How could she do that? Gusto ko mang ipaubaya na lang itong libro na hawak ko ngayon, hindi ko kaya. Favorite ko kasing author ito at mahirap maghanap nito. Tulad n'ya ay nag aabang rin ako sa mga libro na ipupublish n'ya.





Xander's Pov




Ilang araw na ang nakakalipas nang huli kaming magka-usap sa bar ni Mady, hindi na iyon nasundan pa.






Pilit ko muna siyang iniiwasan, kahit ang hirap.







Gago naman kasi eh. First time kong magseryoso at magmahal tapos ganito pa.





Iba siya sa mga babae ko. Hindi siya 'yong babaeng easy to get.






Sa condo, kapag nagkakasalubong kami. Hindi ko siya pinapansin, mahirap lalo na't nakikita kong naguguluhan siya sa ginagawa ko... nahihirapan siya sa ginagawa ko.






Minsan naiisip ko, hanggang kailan ako iiwas? Hanggang kailan ko siya hindi papansinin? May sagot naman ako sa tanong ko, hangga't hindi ko pa siya nakakalimutan! Hangga't hindi pa ako nakakamove on sa nararamdaman ko para sa kaniya! Pero kailan pa? Hanggang kailan pa?





Ang hirap naman palang kumawala sa pag-ibig.



Nilagok ko ang alak na nasa incan. Nakaka anim na akong incan ng alak. Nagkalat na rin ito sa sahig.





Tinapon ko ang walang lamang lata sa pader. Bigla namang sumulpot si Mady sa harap ko at pinulot ang mga incan na nagkalat sa sahig.



Pinanuod ko siyang linisin ang kalat ko. Nagbago na talaga siya. Sa dalawang buwan n'ya rito. Marami na ang ipinagbago n'ya sa dati n'yang ugali.



Lumapit siya sa akin at tumabi.




"Tama na Xander, kanina ka pa umiinom." Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi n'ya.




"Ang dali sabihin ng mga salitang 'yan sayo. Kasi hindi ikaw ang may problema." Tumayo ako at lumayo sa kaniya.
"Huwag kang lumapit sa akin."




"Huh? Ano bang problema mo? Wala naman akong ginawa na masama sa'yo. Bakit mo ako iniiwasan? Para naman akong may malalang sakit... na ayaw mong makalapit sa'yo, kasi mahahawa ka sa akin."



"I'm just protecting myself. Mali ba 'yon?"



"Huh?! Saan? Kanino?"


Tumawa ako nang malakas sa sinabi n'ya.
"Hahahaha! Wala ka talagang alam sa nararamdaman ko. Hayst! ang manhid mo, Mady. Ang manhid mo." Ibinalibag ko ang hawak kong incan. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, kaya napahawak siya sa dibdib niya. Bigla namang dumating at lumapit sa amin si Zion. Naiinis ako sa kaniya, kasi alam kong siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Mady. Alam kong gusto na rin siya ni Mady.





Kahit gusto kong magalit sa kaniya. Hindi ko kaya kasi kaibigan ko siya. At wala naman siyang alam. Hindi niya kasalanan.



"Xander, ano bang nangyayari sayo?" Tumingin siya kay Mady, nakita n'yang takot na takot si Mady kaya agad siyang lumapit dito.
"Okay ka lang?" Tumango si Mady. Hindi ako manhid para hindi makaramdam.





Umalis ako nang tahimik. Mas nasaktan ako nang hindi man lang nila ako napansin na umalis sa harap nila.




Please. Sana matapos na ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala namang forever, kaya alam kong hindi rin ito magtatagal.




Sana pwedeng ngayon na lang matapos.







To be continued...




The Punished Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon