Chapter 7: Night in Shinning Armour

2.6K 82 10
                                    

Treat a lady like a Princess, not because she's a brat. But because you're a man.

***

Mady's Pov


"Enough Xander! Please, ayokong makarinig pa ng kahit ano." Pagkatapos kong sabihin iyon umalis na ako at iniwan s'ya. Bumalik ako sa counter at nilagok ang alak na naroroon.



Napatingin kaming lahat sa banda na tumigil sa pagtugtog. Lumapit sa microphone ang isang member ng banda.



"Good evening guys, may request lang po ang ating napakagwapong vocalist na si Jake." Napatingin ako sa direksyon ng vocalist nila. Natawa na lang ako. Sabagay s'ya naman kasi talaga sa kanila ang pinaka may maayos na itsura. Hahaha. Ang sama ko ba? Umiling ako't pinanood sila.




Lumapit' yong Jake at s'ya na ang nagsalita sa microphone.





"Pwede ba akong magrequest na samahan kami nang babae na umiinom sa dulo na iyon. Napakaganda niya, kanina pa nga ako sa kaniya nakatitig. Mabuti na lang hindi s'ya natutunaw. Hahahaha!" Naghiyawan naman ang mga tao sa kakornihan niya. Sus! Ang corny mo, Kuya. Kung ako iyan, ekes ka na agad sa'kin. Yuck!





"Pwede bang samahan mo naman kami rito, Miss beautiful?" Napansin ko namang nakatingin sa akin ang mga tao? At doon ko lang narealize na sa akin pala nakatutok ang spotlight.



"Please. Pwede ba?" Tinuro ko ang sarili ko na parang naninigurado. Tumango ang mga nasa stage at kasamahan niya. Full support, huh?




"Sige na! AAKYAT NA 'YAN! PABEBE PA ATE!" Hiyawan ng mga tao.






"Epal! Kala mo kagandahan."






"Eww! For sure squatter iyan na napadpad dito."



Wtf!




"Arte! Mabuti nga at napansin ka... di naman kagandahan." Napailing na lang ako sa mga tao.





Wala ba akong choice kundi yes dahil sa mga nakakainis na mga tao ritong sumusuporta sa kanila?!






"Pagbigyan mo naman si Jake oh?" Sabi no'ng isang member. Patulan ko na rin siguro ito para malibang sa pinag-usapan namin ni Xander kanina. Tumayo ako at naglakad papunta sa entablado. Binigyan naman na ako ng way ng mga tao.




Wala naman sigurong masama kung pagbigyan ko sila.




Sinalubong nila ako na may ngiti sa mga labi.




Hindi ko alam pero kinakabahan ako pagtapak ko sa stage. Parang may mangyayari na hindi maganda.





Ngiting ngiti naman iyong Jake sa akin. Tss. Mukhang may pagka-manyak.




Hinila ako ni Jake sa isang gilid. Ayoko sanang sumama kaso masyado siyang mapilit at hawak niya na ang aking braso.



The Punished Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon