Change for the best.
***
Mady's Pov
In order for me to change. Kailangan kong kalimutan at umalis sa mga lugar na nakasanayan ko.
I'm going back to school, sa school na kasama ko ang tatlong hunk at hindi kasama ang bestfriend kong si Cindy. Hay! Bigla ko tuloy naalala ang babaeng iyon. Kumusta na kaya siya? Sana payagan siya ni tanda na dalawin ako.Change takes time... it's doesn't do in a short span of time.
Sa loob ng van ay tahimik kaming apat. Si Xander ang nagdadrive at si Louie ang nasa front seat. Kami naman ni Zion nakaupo sa magkabilang dulo ng upuan sa likod. Bale may isang upuan sa pagitan namin at doon nakalagay ang gamit niya.
Napatingin ako kay Zion na naka-earphone at natutulog. I stared at him unconsciously. Ang aga aga ay natutulog. Akala ko ba si Louie ang antukin sa kanila.
Napahugot ako ng hininga habang iniisip ang magiging takbo ng first day ko. Sana maging maayos ang unang araw ko sa school nila. I kept thinking about this since earlier. Hindi na nga rin ako nakakain ng maayos kanina. I'm not excited, but kinda scared and worried, kasi hindi ko gamay kung anong klaseng behavior ang naroroon.
I was a bully in my previous school. Ako ang reyna at kinakatakutan. Sa bago kayang school na papasukan ko, may isang Mady din kaya?
Well, I'm thinking if I'm ready to let go of my throne being the brat queen... of course, I'll forget about those times. This is really for change.
Naramdaman ko na parang may mga mata na nakatingin sa amin ni Zion, nakita ko sa rear view mirror na nakatingin sa amin si Xander. Shit! Baka kung anong isipin niya, baka nakita niya ako na nakatingin kay Zion na natutulog. I didn't know na nakatitig pa rin pala ako kay Zion. I thought hindi na. Masyado kasing occupied ang isip ko.
"Baka matunaw ang kaibigan namin, Mady." Nakangiti na pahayag ni Louie. I sensed his voice teasing, I rolled my eyes.
"Che! Malayo pa ba tayo?" Hindi mapakaling tanong ko. Nakakahiya nahuli pa nila ako. I also didn't bother to defend myself, baka lumabas lang na guilty ako.
Louie laughed.
"Change topic. Malapit na!" Sagot ni Louie. Napatingin ulit ako kay Xander na nakatingin pa rin pala sa akin. His eyes were showing an accusation.
"What?" I murmured to him, he keep his sight away from me and focus in driving. Good for him, I feel like he will going to melt me by his eyes.
When we're finally arrived, I cover my ears because of those unexpected noise from the students.
"Kyaaaaaah!!!!" Sigaw ng mga estudyante na nag-aabang nang lumabas si Louie.
"I love you Louie!!!"
"Kyaaaaah!!! Waaaaah!!! My love Xanderrrr!!! Kyaaaaahhhhh," mas lumakas ang ingay nang makita nilang lumabas si Xander.
Tsss. Ang lalandi.
Ganito ba rito? Ganito ba sila lagi sa tatlong lalake na ito? I swear, para akong nanunuod ng movie at itong tatlo ang mala-f4.