I win!
***
Mady's PovNagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ng aking palda, habang nagtuturo ang guro namin para sa huling asignatura.
Pasimple ko itong kinuha at tiningnan kung bakit ito nagvibrate at nakita ko ang pangalan ni Zion. Binuksan ko ang mensahe galing sa kaniya. Itinago ko lamang ang cellphone ko sa aking notebook.
From:Ainie/spongBoo ko
Hindi muna kita maiihahatid ngayon Ainie ko. May practice pa kasi kami. Mag-iingat ka na lang sa pag-uwi huh? I love you.
Nalungkot ako sa natanggap kong mensahe sa kaniya. Hindi na naman kami magsasabay umuwi. Hays. Hindi na nga kami nagsabay kanina tapos ngayon na naman.
Pero napangiti naman ako sa huli niyang message. Mayroon talagang pambawi sa huli e.
To: Ainie/spongBoo ko
Okiie, Ainie ko. Mag-iingat ka rin pauwi. I love you too.
I replied to his message.
Itatago ko na sana ang phone ko nang magsalita si Jenicah.
Nakakainis nga eh. Bakit kaklase ko pa siya?
"Ma'am." Habang nakataas ang kamay niya.
"Yes?" Tanong naman ni ma'am kay Jenicah.
Hindi nagsalita si Jenicah. Tumingin siya sa akin at sa hawak kong cellphone.
Galit na tumingin sa akin si ma'am at sa hawak kong cellphone.
Ito pa naman ang number one rule niya. Ayaw niyang makakita ng gadget habang siya ay naglelesson.
Nagpanic naman akong tinago ang cellphone kahit useless na kasi nakita na niya.
Lumapit sa akin si ma'am.
"Bakit hawak mo yang cellphone mo Ms. Pascual?"
"E---eh k--"
"I don't need your explanation. Get out now! Parepareho lang kayo. Mga paasa. Hindi marunong makinig."
"Pe--pero--" tinatanong ako tas I don't need your explanation daw. Wtf! Ang gulo naman.
"I said get out." Grabe! Sa akin pa ba 'yon? Humuhugot si ma'am, mukhang may pinagdadaanan. Bago ako umalis ay tiningnan ko nang masama si Jenicah.
"Loser," she said murmuring. Nabasa ko ang pagbuka ng bibig niya.
Nang malapit na ako sa condo ay iba ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba.
(Now playing Rainbow - South Border)
Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no