He was like that... playing unpredictable. I was me... never like playing lies.
***
Mady's Pov"Zion bakit ba tayo naglalakad? Bakit hindi na lang tayo sumakay pauwi? Perhaps, jeep. Okay lang sa akin." Pagrereklamo ko sa kaniya. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad. Nakakatakot pa naman ang daan lalo na't gabi na.
"Oy, saan ka pupunta? Dito ang daan pauwi sa atin." Puna ko sa kaniya. Mali kasi 'yong daan niya. Lumiko siya sa kaliwa imbes na pakanan. Hay naku naman! Matagal na siya rito tapos nagkakamali pa rin ng daan. Siguro puro siya waze sa sasakyan niya.
"Hindi pa tayo uuwi, ice cream muna tayo." Ma-awtoridad niyang wika.
"Pero gabi na, nakakatakot sa daan. Baka kung mapano pa tayo. Wala ka pa naman dalang sasakyan." Reklamo ko pa sa kaniya. Ngayon kasing araw ay nakisabay lang siya kay Troy at ako naman kay Xander. Tapos kanina naman pinaalis niya na ang dalawa dahil hihintayin niya na lang daw ako. Sabay pala talaga kaming uuwi. Kung sino pa ang walang sasakyan, siya pa ang naghintay sa akin. Gustong gusto niya talagang nahihirapan ako.
"Don't you trust me? Do you really think I'll let something bad happens to you? Hindi kita ipapahamak." Sabi niya sa akin. Namula ako sa sinabi niya. Buti na lang madilim at hindi niya masyadong nakikita ang sigurong kamatis ko nang mukha ngayon.
"Ehh?!" Iyon na lamang ang naiusal ko.
"You trust Xander more than me. If it is Xander, sasama ka kahit saan magpunta." Nagtatampo niyang wika. Nagsimula na siyang maglakad. Hay! What the heck! Nagtampo pa siya, dahil lang do'n?
Sabi na nga ba at may issue talaga siya sa amin noon ni Xander.
"Hoy, hintayin mo ako." Habol ko sa kaniya.
"Gabi rin naman nang kasama mo si Xander." Inis niyang wika.
"Sorna. Tampo ka naman agad." Huminto siya at hindi maitago ang ngisi sa kaniyang labi.
"Huwag kang mag-alala sa kaligtasan natin. Malakas ako. At hindi ko hahayaang mapahamak ka. Kasama mo ang night in shinning armour mo kaya dapat huwag kang matakot, okay?" Naninibago talaga ako kay Zion, kapag ganito siya magsalita. Hindi naman siya ang Zion na nakilala ko. Ang Zion na nakilala ko walang expression bukod sa pagiging masungit.
"Sus! Umamin ka, may issue ka talaga sa paglabas namin ni Xander?" Asar ko sa kaniya.
He smirked, ibang klase talaga siya.
Iniabot niya sa akin ang kamay niya. Kinuha ko naman ito. Sabay kaming tumakbo sa ice cream parlor na magkahawak ang mga kamay. Nang makarating kami roon agad kaming nag-order ng parehong chocolate ice cream. Nilantakan naming pareho iyon. Nakakawala pala ng stress kapag kumakain ng ganito.
"Zion, dalhan natin sila Xander at Louie nitong ice cream." Pumayag naman siya. Binilhan namin ng pasalubong ang dalawa bago kami tuluyang lumabas sa ice cream parlor. Dala dala ko ang supot ng ice cream na pasalubong namin para sa kanila.
Akala ko ay sasakay na kami pero hindi pa rin pala.
"Maglalakad ulit tayo? Sumakay na lang tayo." Pangungulit ko sa kaniya.
"Ayokong sumakay." Malamig na usal niya. Kumunot ang noo ko at ngumisi nang may marealize.
"Umamin ka nga, gusto mo lang akong makasama ng matagal." Tumawa siya nang malakas sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Edi ako na ang assumera.