It's not life if it's easy.
***
Mady's PovTumakbo ako patungong gym when I received Troy's chat. It's an emergency message. At hindi ko inaasahan ang makikita ko roon. Maraming mga estudyante ang naroon. Sa gitna nito'y ang mga babae kahapon at ang tatlo nilang Prince na pinapahirapan sila. Dahan dahan akong lumapit dito.
Nakasquat ang lima at may mga libro na nakapatong sa mga braso nila. It's because Zion, Xander and Louie told them to do. Kawawa ang mga itsura nila ngayon. Nakasuot din sila ng kakaibang costume at nakakatawang make-up sa mukha.
Napaatras ako nang magtama ang mata namin ni Zion. Itinaas niya ang kamay niya para sabihing huminto ako sa aking pag-atras. Hindi ko alam kung paanong napasunod niya ang aking katawan. Marahang kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang cellphone.
"Let's play a game, Bebs!" Sigaw ni Xander sa akin, sa gilid nila ni Louie ay may isang malaking basket ng mga bola. Nagulat ako nang dumaing ang mga babae dahil itinapon nila ang mga bola sa tuhod ng mga ito.
"You have now a chance, Mady. You can do whatever you want with that." Tukoy niya sa cellphone na hawak ko. Lumingon ako sa kaniya.
Nag-ingay sa loob ng gym. Students are all cheering for me. Tiningnan ko ang cellphone na nakabukas ang social media page ng school at isang click ko lang ay kakalat ang mga nakakahiyang pictures nila ngayon. Mga pictures na pwedeng sumira ng image nila sa buong school.
Tiningnan ko silang lima. Pinakiramdaman ko ang sarili. Tumingin ako sa tatlo na nakangiti sa akin na para bang sinasabing, whatever I do they do support me.
"Mady, we're so sorry. Please, huwag mong gawin iyan sa amin. Masisira ang buhay namin. Pagagalitan kami ng mga parents namin. Please, maawa ka." Ipinikit ko ang mga mata ko. Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa nila sa akin. Naalala ko ang sarili ko sa kanila kahapon. Kung paano ako nagmakaawa. 'Yong naiiyak na ako sa sakit na natatamo ko. 'Yong time na nagmamakaawa ako pero hindi nila ako pinapakinggan.
Nagulat ang lahat nang ibalik ko ang cellphone kung saan pwede na akong makabawi. Ibinalik ko ito sa kamay ni Zion tsaka ako tumakbo palabas ng gym na iyon. I have the chance pero pinili kong tumakbo at palampasin ang ginawa nila sa akin.
"Mady." Tawag niya akin habang ako ay naglalakad. Nilingon ko naman siya. His eyes were darkened. I can see how disappointed he is with me. Sino ba namang hindi, I have the chance pero pinalampas ko pa rin. Sila na ang nagset up pero tinakbuhan ko pa rin sila. The groaned of disappoinment I heard from the students there earlier is what I also saw in him.
"Bakit hindi ka gumanti sa kanila? Pagkakataon mo na iyon!" Oo nga, pagkakataon ko na iyon para gumanti at kahit papaano ay maiparamdam ko rin sa kanila ang ginawa nila sa akin kahapon. Pero hindi, hindi ko kaya. Ano pa't sinabi kong magbabago na ako kung hindi ko rin naman gagawin at papatunayan.
"Ayoko nang gulo pa, Zion. Ayokong mas lalong magalit sa akin ang mga tao. Natatakot ako na baka hanggang matapos ang school year, wala akong magiging kaibigan dito sa school." Yumuko ako dahil ramdam ko na ang pagsakit ng aking mata.
"Gusto ko nang magbago, Zion. Gusto ko na ng tahimik at maayos na buhay. 'Yon lang naman ang gusto ko." Naiiyak na tinig ko sa kaniya. Iyon ang gusto ni Lola, ni Cindy para sa akin pero bakit ang hirap hirap.