We all have an unexpected day.
***
Mady's Pov
Ngayong araw, nagising ulit ako nang maaga dahil sa ingay na nanggagaling sa loob ng aking kwarto.
"Ano na naman?" Tanong ko sa lalake na gumising sa akin habang sinisigawan ako. Dinaig pa si tanda sa paggising sa akin. Makasigaw wagas, kung hindi lang siya gwapo at hot pagkakamalan ko talagang bakla itong si Zion.
"Bumangon ka na at maglilinis ka ngayon nitong condo namin." Sabi n'ya sa akin habang hinihila ang kumot ko.
"What? Ni minsan wala pang nang-utos sakin. Im the boss! Understand?"
"Brat! Hindi ka na boss ngayon. Wala ka sa teritoryo mo. Teritoryo ko ito kaya lahat ng gusto ko ay gagawin mo." Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin nang husto. 'Yong tipong konting galaw na lang ng isa sa amin ay magkakahalikan na kami. Ako naman ay todo iwas sa kaniya. Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kaniya. Pero dumating sa point na hindi na ako makaiwas dahil nasa end point na ako ng kama. Fucking shit! Mahuhulog ako, konting galaw ko pa. At ayokong mangyari iyon kasi alam kong hindi niya ako sasaluhin. Hahayaan niya lang akong mahulog.
"Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Kung anong hingin ko sayo, ibigay mo. Ayaw ko ng binibigo, mas lalong nagiging wild ako kapag ganoon. Understand?" He mocked the last word. Nang-aakit ang pahayag niya. Ewan ko, pero 'yon ang dating sa akin. Kinikilabutan ako sa ginagawa n'ya. Lalo na 'yong pagkakasabi n'ya ng WILD. Parang ---este talagang nang-aakit ang pagkakabigkas n'ya.
Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin, hindi naman ako nabigo. Tumawa siya nang malakas sa harap ko pagkatulak ko. Agad akong tumayo at dumiretso sa bathroom. Pero siya ay hindi pa rin natitigil sa pagtawa.
"Baliw!" Singhal ko bago isara ang pinto ng bathroom.
Shit! Naiimagine ko 'yong gulat na reaksyon ko sa harap niya kanina. Naiimagine ko iyong panginginig ng labi ko sa kaba sa mga pinagsasabi niya.
Tumingin ako sa salamin. Parang may mali sa mukha ko. Hindi naman ako nagblush on, at lalong wala akong sakit pero bakit ganito? Hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.
My heart throbbing so fast. Bibigyan niya pa yata ako ng sakit sa puso.
Napangiti ako nang maalala ko ang mukha n'ya na malapit sa akin kanina. Doon ay napagmasdan ko nang husto ang mukha ng isang Lion. Ang pinakanakakaibang lion sa lahat. Ang nag-iisang lion na nakapagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Hinawakan ko ang ulo ko.