Love your flaws, while haters busy searching something bad in you.
***
Mady's Pov
3:00 nang hapon ay pabalik balik si Zion para tanungin ako kung nag-aayos na raw ba ako. 'Di naman halatang excited siya. 'Di naman talaga. Anong akala niya sa akin, matagal mag-ayos? Maganda na ako, kaya kahit konting ayos ay okay na. #SelfCare or more like buhat ng bangko.
Wala sila Xander at Louie rito. Hindi ko alam kung saan sila nag-ayos. Mukhang may mga make-up artist at designer pang hinire. Maging si Zion nga ay meron din. Designer pa ang tuxedo na susuotin niya later. Yamanern ang mga boys niyo. Ako kasi ganda lang ang panlaban haha.
"4:00 mag-ayos ka na. I will hire someone para tulungan ka na mag-ayos." Napakunot ang aking noo. Ang aga pa. 7 pa naman magsisimula ang event. Minsan, Filipino-time pa. Baka mamaya sobrang lusaw na ng make-up ko. Hindi ako pumayag sa suggestion niya. Maka-ilang ulit niya pa ako kinulit pero hindi ko siya pinagbigyan.
"Zion, kaya ko ang sarili ko. I don't need make-up artist or hairstylist. Wala ka ba tiwala sa mukhang 'to?" I frowned.
Nawalan naman siya ng isasagot kaya napabuntong hininga na lamang.
"Bahala ka, basta 4 mag-ayos ka na."
"6," hirit ko pa sa kaniya.
"5, that's final." Pumayag na lang din ako dahil wala akong magagawa kapag umasta na siyang boss.
"Dapat maganda ka ngayong gabi. Mahiya ka naman sa akin. Ang gwapo ng partner mo mamaya." Napaubo ako sa sinabi niya.
"Ang kapal. Napakapresko mo, tol! Mahiya ka rin sa akin dahil ang ganda ko."
"Hahahaha," tawa nito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Pinagcross niya ang kaniyang braso at tinitigan ako nang mabuti mula paa hanggang ulo.
"Makita mo! Ako ang magiging prom queen. Who you ka talaga sakin! Minamaliliit mo ang ganda ko."
"Okay! Sabi mo eh. Wala akong magagawa kundi maniwala." Sabay smirk. Mapang-asar talaga.
"Waaaaaah!" Binato ko siya ng unan ko. Pero bago pa man makarating ang unan sa mukha niya ay nakaalis na siya at nasarado na ang pinto ng kwarto ko.
Ang kapal! Makita niya talaga mamaya. Ha! Huli na yata siya sa balita. Ako 'ata si Mady, ang dyosa ng kagandahan. Hindi si Aprodite ang dyosa ng kagandahan o kaya si Anne. Mady na ang pangalan niya, binago na.
Hindi ko sinunod si Zion. Mga bandang 6 nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko. Una kong inayos ang aking buhok. Ito kasi 'yong mahirap ayusin. Kinulot ko ito sa dulo at brinaid ng konti sa gilid at inipit iyon. Marunong akong mag-ayos naman kahit papaano dahil nasanay akong maging independent simula pagkabata. Nasanay akong manuod sa YouTube ng mga bagay na bago sa akin at kailangan kong matutunan. Kaya, pati ang pagmamake-up ay sinanay ko ang sarili ko para sa mga party na ina-attendan ko.
Sunod ay naglagay ako ng make up. Light make up lang ang ginawa ko sa aking mukha at binagay sa panahon at suot ko sa party.
I'm a fan of 'simple yet elegant'.
Dahan dahan kong isinuot ang gown baka kasi masira pa ang ayos ng buhok at make up ko.
Mabuti at hindi naman ako masyadong nahirapan sa pagsuot ng gown. Napangiti ako dahil saktong sakto ang sukat sa'kin. Naks, memorize ang katawan ko. I wonder tuloy kung ehem...