It's you, I can wait.
***
Mady's Pov
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Zion na ngayon ay pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Basta," he answer. I shrugged my shoulder at walang nagawa kundi sumakay na lang sa driver seat.
Habang nagdadrive siya ay hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta.
"Can you hug me, while I'm driving?" Napapreno ang utak ko sa sinabi niya.
"Huh? Luh? 'Yoko nga," pagpapakipot ko. Syempre naman. Kahit ang totoo'y gusto ko naman talaga. Umayos pa ako ng upo, at diretsong tumingin sa daan. Kunwaring nawala na sa isip ko ang sinabi niya.
"Please." Tumingin ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang aking ngiti nang magpuppy eyes pa siya sa akin.
"Humarap ka nga sa kalsada. Baka maaksidente tayo," utos ko sa kaniya na hindi nawawala ang kilig sa mukha. Namumula na yata ako.
"Kyaaaaaah! May pusa, Zion!" Napapreno naman si Zion bigla.
Tawa ako nang tawa at galit naman siya nang marealize na prank lang pala.
Gamit ang mga nanlilisik niyang tingin ay napatigil niya ako sa pagtawa.
He used me his Lion look.
'Noted. Huwag galitin ang Lion, nangangagat,' paalala ko sa aking utak.
"Sorry na. Joke lang naman," niyakap ko na siya. Sinilip ko ang mukha niya na ngayon ay nakangiti na. Nagpatuloy na rin siya sa pagdadrive.
"I love you, Zie," sambit ko habang nakayakap ako sa kaniya.
Akala ko ay hindi niya narinig kasi ang tagal niya bago sumagot. Though, hindi naman ako naghihintay ng sagot. Gusto ko lang ipaalam na mahal ko siya.
"I love you too, Audrey." He kiss the top of my head.
Hay!
Sana ganito na lang palagi... masaya lang at walang inaalalang problema.
Magtatatlong oras na ay hindi pa rin kami nakakarating sa dapat na paroroonan namin. Napapansin ko rin na parang pareparehong daan ang tinatahak namin.