Meet Audrey Margarette Pascual aka Mady.
A girl who experience inhumane and become an orphan in an early age, both her parents died in gunshots. Pakiramdam niya ay wala na ring saysay ang kaniyang buhay. Nasa pangangalaga siya ng kanyang lola, na kailan ma'y hindi nagkulang. Ngunit sa kabila nito'y lumaki pa ring sakit ng ulo, brat, bitch, warfreak, party girl, tamad at maldita si Mady. 'Ala dyosa ang mukha ngunit sa loob nito'y nakatago ang demonyetang ugali. Kilalang bully, kaya kinakatakutan ng mga kapwa nya estudyante sa loob o labas ng kanilang school.
Meet Zion Montecarlos.
Kilala bilang ice man dahil sa pagka-cold. Siya at ang dalawa nyang kaibigan ay tinitilian ng mga babae saan man sila magpunta. Ganyan kalakas ang karisma nila, lalo na SYA. Sa likod ng pagka-cold, sungit, at lion nitong ugali nakatago ang mapagmahal, responsible at thoughtful niyang ugali.
Meet Cindy Lee.
Ang matalik na kaibigan ni Mady. Kung si Mady ay patapon na ang buhay. Kabaliktaran naman siya ng ugali nito. Mabait, magalang, masipag, matalino at higit sa lahat may patutunguhan ang buhay. Mahal na mahal siya ni Mady. Super protective sya rito na ayaw niyang matulad sa kanya. Hindi nya ito sinasama sa mga lakad nya kung alam nyang makakasama para rito.
Meet Xander Hyung.
Ang half Koreano'ng cassanovang kaibigan ni Zion. Basta "Chix" lang ang katapat sa boring nyang buhay. Walang ibang laman ang utak nya, kundi puro babae. Babae! Babae! Babae! Babae! Maraming babae.
Meet Troy Louie Lim.
Ang chinitong kaibigan nila Zion at Xander. Iba rin sya sa kanila. Kung si Zion cold man, si Xander Chickboy. Si Louie naman ay 'sleepy man'. Lagi siyang tulog sa klase pero sa kanilang tatlo sya ang pinakamatalino. Hindi mo nga lang makausap ng matino, hindi kasi masyadong nagsasalita.
Silang lima, paano nagkakakonekta ang mga buhay nila?
Paano kung ang tatlong hunk may makasamang isang dyosa pero brat na babae sa iisang bubong?
Paano nila ito pakikisamahan?
Magbabago kaya ang buhay na nakasanayan nila sa pagdating ng babae sa kanilang buhay?
O ang babae kaya ang mabago nila?