Come back, but never come home.
***
Mady's Pov
Pagpasok namin sa condo ay agad kaming sinalubong nila Louie at Xander. Lowkey nila kaming pinapaalis.
"Baka may nakalimutan pa kayo sa labas," Louie said na may kasamang pagtulak nang bahagya sa amin.
Anong meron?
"Wala naman kaming nakalimutan na," I answered kasi si Zion ay nawawalan na ng pasensiya sa dalawa.
"Zion, grocery muna kayo," tulak naman ni Xander sa amin.
"Pagod kami sa biyahe. Magpapahinga kami." Zion said.
"May problema ba? Bakit ayaw niyo kaming papasukin?" Tanong ko.
Nakaharang pa rin sila sa harap namin at ayaw buksan nang maigi ang pinto na tila ba ay may tinatago sila sa loob.
"H--mph k---kasi a--ano--" si Xander na nauutal at hindi makuha ang sasabihin.
"What's the problem? Pagod kami ni Mady. We want to rest now." Galit na pahayag na ni Zion.
"P-pero, Z--ion." Kinakabahan sila habang nauutal pa.
"Bakit ba kasi kayo nauutal?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"S--si a--ano n-na-- putcha. Ikaw na nga lang Xander magsabi." Frustrated na wika ni Louie. Sinasabunutan na rin niya ang kaniyang ulo at 'di malaman kung paano sasabihin sa amin ang gusto nilang iparating.
Pinapanuod namin ang dalawa na nagtuturuan kung sino ba sa kanila ang magsasabi.
Halatang nag-iinit na ang ulo ni Zion. Pilit ko na lang itong pinapakalma. Napaka short tempered pa naman nito ni Zion.
"Is that Zion?" Nagulat kami pareho ni Zion nang may babae kaming narinig na nagsalita mula sa loob ng condo at papunta ito sa direksyon namin base sa tunog ng kaniyang stilettos. Hindi namin ito makita dahil nakaharang sa amin ang dalawa.
Namutla ang dalawang si Louie at Xander nang marinig nila ang boses ng babae.
"Jenicah is back." Sabay nilang pahayag pagkatapos ay gumilid, dahilan para tuluyan naming makita ang babaeng maganda, matangkad, mahaba ang buhok, maputi, at fashionista base sa suot nito. Papalapit ito sa amin habang suot suot ang napakaganda niyang ngiti.
Natulala na lang ako nang makitang niyakap niya na si Zion.
Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.
"Ghad! I super miss you, Zion." Wika ng babae. Hindi makapagsalita si Zion at maging siya'y gulat pa rin sa napakabilis na pangyayari.
Walang reaksyon ang mukha ni Zion sa babae hanggang sa makita ko na nakalagay na rin ang braso ni Zion sa likod ng babae at niyayakap na rin ito pabalik.