Don't disconnect when you aren't a hundred sure that you will still after.
***
Mady's Pov
Nagising akong wala na ang tatlo, ngunit nag-iwan sila ng note sa mesa.
Maaga raw silang pumasok dahil may practice pa sila sa basketball.
Nakakatampo lang at hindi man lang ako ginising o tinext man lang ni Zion. Galit kaya siya sa akin?
Paglabas ko ng condo ay sumalubong sa akin si Cindy. Naalala ko 'yong isa sa posibleng rason kung bakit hindi ako pinapansin ni Zion.
Wala naman iyon. Walang meaning ang mga yakap na iyon. Kino-comfort lang naman ako ni Louie.
Pero hindi ko rin maiwasang mag-isip pa rin sila nang masama dahil nasa kwarto kami. Kami lang na dalawa tapos nasa ganoon pang posisyon.
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa aking pisngi.
"C-indy?" Gulat kong tanong at ang mga galit na galit niyang mata ang sumagot.
"All my life I was wrong for thinking that you were my bestfriend. I trusted you. Ikaw na bestfriend ko rin pala ang aagaw sa boyfriend ko. You're a freaking snake!" She said in a low voice that full of wrath.
"What are you saying, Cindy? Kung ano man 'yan. I assure you hindi 'yan totoo." I try to hold her hands pero inilayo niya ang sarili niya sa akin.
"Huwag ka na magmaangmaangan. May nagsabi sa akin. Napaka walang hiya mo! Mang-aagaw! Hindi ka pa ba nakontento kay Zion. Pati boyfriend ko inagaw mo rin. Hobby mo bang mang-agaw ng may boyfriend?" I can't believe she's shouting me and accused me with these!
I couldn't take her accusations anymore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya.
Hindi niya alam ang totoong nangyari. Bestfriend niya ako, alam niyang hindi ko iyon magagawa but she still believe that disinformation than trusting my love for her.
"I'm sorry," sambit ko. Hindi ko gustong saktan siya. Pero nagdilim na talaga ang paningin ko dahil sa mga pinagsasasabi niya.
Nagsisisi akong nasampal ko siya. Hindi ko gustong saktan ang importanteng tao sa buhay ko. Mula pa sa simula pinahalagahan ko na siya. Kaya hindi ako makapaniwalang napagbuhatan ko siya ng kamay.
Pero hindi ko matanggap na...
pati ba naman bestfriend ko mawawala na rin sa akin.
"You're not my bestfriend anymore, Mady. I hate you! Kalimutan na natin ang isa't isa." Naiyak ako nang sobra sa sinabi niyang iyon. Puno nang pagkamuhi ang mga mata niya sa akin.
"Hindi ganoon kadali sa akin na kalimutan ang ka at ang pingasamahan natin. Cindy, don't do this to me. We're bestfriend, right? Mali ang iniisip mo. Hindi ko inagaw at kailan man hindi ko aagawin sayo si Louie. Please, let me explain." Nanatili siyang bingi sa mga paliwanag ko.
"No," she remained tough.
Ayaw niya na talaga sa akin. Ang lungkot at ang sakit lang na sa isang iglap nawala na ang relasyon na pinaghirapan naming buuin. Buong buhay namin nakadepende kami sa isa't isa. Pero ngayon, wala na. Hindi ko akalain na sa ganitong bagay pang dahilan kami magtatapos. Kahit kailan 'di ko naimagine na magiging ganito ang katapusan ng pagkakaibigan namin. Dahil, akala ko habang buhay nandito kami para sa isa't isa.