( 2 months after the first day of school is started)
"oh ano? nakanganga ka ngayon?" mayabang na sabi ni Ella habang nagpapagpag pa ng kamay dahil sa pagsuntok niya sa isang bully ng school nila.
napagtripan kasi ng grupo ni Xylar yung isang babaeng baguhan.
halos kakapasok lang kasi nung babaeng yun nung isang taon..
ngayon palang magsisimula ang pangalawang taon nung babae pero binubully na siya nila Xylar.
bagsak na ang grupo ni Xylar habang yung babae naman ayun nakaupo lang sa isang gilid.
"mga brad? kayo ng bahala diyan ah?" sabi naman ni Ella na tinanguan ng iba.
bago naglakad papunta dun sa babaeng ipinagtanggol nila ay nakita ni Ella at ng tatlo pa na pinagtitinginan na sila ng mga student sakanila. at nakarinig pa sila ng mga bulong.
"grabe.. nakakatakot talaga sila kapag kinalaban" -girl 1
"oo nga eh.. ang tapang lang kasi ng grupo nila Xylar at nanbully pa"-girl2
"tsk.. hindi man lang natakot sa grupo nila Ella." -girl 3
"nagtatapang tapangan pa kasi eh wala naman palang panlaban" bakla
"hay naku napapanila nila eh"girl2
"ganyan talaga.." girl3
"brad talagang ikaw ang humahawak sa grupo ah" pangasar ni jonas sakanya.
"manahimik ka" asar na tugon ni Ella.
"totoo naman.. sa tuwing tinatawag ang grupo natin sasabihin grupo ni Ella" nakangising sabi ni Jerick habang akay akay yung isa sa mga tao ni Xylar.
hindi nalang pinansin ni Ella yung tatlo kaya ipinagpatuloy na din nila ang pagakay sa grupo ni Xylar para idala sa clinic.
kahit naman kasi sila ang nangbugbog ay hindi naman hahayaan nalang nila ang mga ito doon.
may mga naririnig padin sila na bulungan.
"hay masanay nalang.. lagi naman eh" sabi nalang ni Ella sa sarili niya habang umiling nalang yung tatlo.
pinuntahan ni Ella yung babaeng ipinagtanggol nila ng mga barkada niya mula kay Xylar.
halatang natatakot siya.
"wag kang matakot sakin" sabi ni Ella.
"ano ayos ka lang ba?" tanong agad ni Ella ng hindi nagsalita yung babae.
"oo ok lang..s..sa...salamat" nakayukong sabi ng babae.
"wag ka ngang yumuko.. chin up ka.. at paalala ko sayo ah.. wag kang magpapabully ulit.. ok?" sabi ni Ella.
tumango naman yung babae sakanya.
"nga pala anong pangalan mo?" tanong naman ni Ella.
"ahhh.. Rachelle" sagot naman ni Rachelle.
"Rachelle.. hmm.. maganda ah..ahh nga pala tayo ka muna diyan" -Ella. pinatayo niya si Rachelle.
"oh ayan..chin up ah? sge una na ako may klase pa kasi ako eh.. sana magkita ulit tayo Rachelle.. at kakaibiganin kita pagnagkita tayo at magkwekwentuhan tayo ah?" nakangiting sabi ni Ella sabay tap ng balikat ni Rachelle kaya tumango nalang ito.
umalis na si Ella sa harapan niya.
"hindi naman pala sila yung puro angas lang eh.. mabait at matulungin din pala sila kahit ganun ang tingin ng iba sakanila" sabi naman ni Rachelle sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Short Story
NouvellesMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.