anu bang pakiramdam ng nasasaktan? ng nababalewala? ng di pinapahalagahan? ng sinasayang?
anu at paano nga ba?
pag nabalewala ka , di ka pinahalagahan, at sinayang ka. isa lang naman mararamdaman mo eh. masasaktan ka.
pero sorry ka kung ang taong nangbalewala sayo, ang taong di ka pinahalagahan, at ang taong sinayang ka ay manhid. dahil kahit nasasaktan ka na wala lang sakanya.
yung tipong nagpaparinig ka para makaramdam ka pero parang wala padin?
yung tipong nagpapansin ka para mapansin niya na nasasaktan ka pero wala padin?
yung kung anu anu sinasabi mo para malaman niya na umaasa at gusto mo pa pero wala padin?
yung tipong wala ka ngang pagasa pero umaasa ka padin?
masakit yun eh.
yung gusto mo siyang kausapin pero ayaw niya.
yung gusto mo siyang tabihan pero hindi pwede.
yung gusto mo siyang lapitan pero maalala mo 'ahy di na pala kami. wala na palang kami'
masakit pero aminado padin ako na umaasa padin ako.
nakakapanghina pero tuloy padin.
parang sa laro ng basketball.
kahit mainit sa court ok lang
kahit na pawisan ka na sige lang
kahit na pagod ka na tuloy padin
kahit na masakit na di ka padin titigil.
kasi nga gusto mong manalo.
gusto mong matapos ang laro.
yung matatapos ang laro na ikaw ang panalo pero wala eh.
kahit na ginawa mo na ang lahat
kahit tiniis mo na ang lahat
kahit na hindi ka tumigil hanggang matapos
ang resulta talo ka padin
ang resulta di ka masaya kasi iba ang nanalo.
masakit.
bakit ba kasi kailangan pa?
bakit kasi lagi nalang?
gusto ko lang naman na magmahal at maging masaya eh masama ba yun?
gusto ko lang naman manalo di ba pwede yun?
ginawa ko naman lahat pero bakit nasaktan lang ako?
may kasalanan ba ako?
may pagkukulang ba ako?
mali ba ako?
lagi nalang bang ganito?
kailan ba ako magiging masaya.
yung talagang masaya?
hanggang panandalian na kaligayahan nalang ba ang laging dumadating?
yung masaya ako ngayon bukas hindi
yung ok ako ngayon bukas hindi
lagi nalang ba ako pinagkakaitan
di ba pwedeng magtagal naman?
di ba pwedeng manatili nalang ?
yung manatili nalang yung saya sakin
yung manatili nalang siya sakin
malabo ba talaga?
o sadyang hindi talaga pwede?
di ba pwedeng siya na talaga?
di ba pwedeng maging masaya ako sakanya?
di ba pwede?

BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.