Title: Isip o puso? (own composition of spoken words poetry)
Di mo siya gusto pero masaya ka.
Di mo siya gusto pero nasasaktan ka.
Di mo siya gusto yan Ang sinasabi ng Isip mo.
Buksan mo kaya ang puso mo baka malaman mo na Kaya di mo siya gusto kasi mahal mo Pala siya
Yan Ang mga sinabi ko sayo.
Yan Ang mga Sinabi ko sayo na sinagot mo ng oo.
Sinagot mo ng oo tama ka.
Oo tama ka mahal ko nga siya.
Pero teka meron pa.
May ka tuloy pa.
Sinabi mo din na ayaw mo.
Bakit?
Bakit Ayaw mong gawin.
Bakit Ayaw mong paniwalaan.
Bakit Ayaw mong I labas.
Bakit ayaw mo
Ayaw mo bakit?
kasi nasasaktan ka.
Kasi alam mong di ikaw ang gusto niya di ikaw ang mahal niya. Di ikaw kundi iba.
Ayaw mo
Ayaw mo
Kasi alam mong masasaktan ka lang.
Ayaw mo Kasi alam mong sa mga panahong ito wala kang pagasa.
Ayaw mo Kasi alam mong ikaw ang dihado
Ayaw mo Kasi alam mong ikaw ang talo.
Ayaw mo Kasi alam mong di ka mananalo.
Ayaw mo Kasi alam mong ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa..
Ayaw mo Kasi alam mong ikaw lang ang masasaktan sa inyong dalawa.
Kaya ayaw mo.
Kasi baliktarin man ang mundo.
Ikutin man ng Ikutin
Di padin magbabago.
Mahal mo siya pero mahal niya ay iba.
.. Nagmahal ka ng may mahal na iba.
Nagmahal ka ng walang kasiguraduhan.
Nagmahal ka ng taong di pa tapos magmahal ng iba.
Parang ikaw tuloy si Kathryn sa a love untold na pilikula nila.
Bagay din ata ang title na un sa inyong dalawa.
Paano?
Paano nga ba?
Simple lang.
Siya si Daniel at ikaw si Kathryn.
Siya di pa tapos magmahal ng iba pero ikaw masyado ka atang advance at Minahal mo agad sya.
Sabihin na natin na wala kang magagawa Dahil nagmahal ka lang.
Pero nakakapagtaka.
Hanga na ako sayo.
Parang sinabi mo kasi na Kaya mong magtiis.
Kaya mong magtiis para sakanya.
Kaya mong magtiis na baka mahalin ka din niya.
Kaya mong magtiis na marinig ang mga katagang kaya kong mahalin ka.
Kaya kong mahalin ka isang pangungusap na sobrang sakit kung papakinggan.
Isang pangungusap na kulang nalang tumulo na ang LUHA mo.
Isang pangungusap na di mo alam kung hanggang kailan mo maririnig
isang pangungusap na di mo alam kung hanggang kailan mo kayang tiisin na marinig.
Sinabi mo sakin
Sinabi mo sakin na naguguluhan ka.
Sinabi mo sakin lahat lahat.
Naguguluhan ka.
Pagod ka na.
Naguguluhan ka kasi ayaw mo pading aminin na mahal mo siya kasi mahal mo pa ang ex mo.
Ok Mahal mo pa ang Ex mo.
Mahal mo pa ang nauna bago siya.
Mahal mo pa ang lalaking dumating sa buhay mo bago siya dumating.
Kaya ka naguguluhan.
Pero para sa kin Di iyon ang dahilan.
Di iyon.
Naguguluhan ka.
Naguguluhan ka kasi ayaw mong buksan ang puso mo.
Ayaw mo kasi natatakot ka.
Natatakot ka sa pwede mong makita.
Natatakot ka na makita mo ang ayaw mong makita.
Ang tanong ko lang sayo.
Ano ba ang ayaw mong makita?
Ano ba ang kinatatakutan mo?
Buksan mo ang puso mo Malalaman mo kung sino sakanila ang mahal mo. Ang mahal mo noon o ang mahal mo ngayon
Pero kung ako ang tatanungin.
Ang isasagot ko na mahal mo ay ang nahuli.
Ang sumunod sa una.
Ang pangalawa.
Ang pangalawa at Hindi ang una.
Bakit? Paano?
Isa lang ang sagot.
Di ka kasi magmamahal ng iba kung mahal mo pa ang nauna.
Tama ako diba?
Naguguluhan ka lang kasi Isip at puso mo ang nagtatalo.
Ay mali.
Hindi Pala sila nagtatalo..
Dahil ang Isip mo lagi ang panalo.
Ang Isip mo lagi ang panalo.
Dahil pilit mong ipinapanalo ang Isipan mo.
Hindi mo hinahayaan na manalo ang puso mo.
Hindi mo hinahayaan na mabuksan ang puso mo.
Kaya ka naguguluhan dahil may nakakulong sa puso mo.
May nakakulong.
Nakakulong na pangalan.
Pangalan ng huling Minahal mo.
Gaya nga ng sabi ko.
Isip at puso mo ang nagtatalo.
Laman ng Isip mo at laman ng puso mo.
Kung ang laman ng puso mo ay ang nahuli ang laman naman ng Isip mo ay ang nauna.
Huli laban sa una.
Puso laban sa Isip.
Mamili ka.
Laman ng puso mo?
O laman ng Isip mo?
---------
@xiouxio20
BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.
