Spoken Words Poetry Two

3 0 0
                                    

Title: ako at Hindi siya
(own composition of spoken words poetry)

Iniwan mo akong nagiisa
Linisan mo ang piling ko
Puso ko ay binitawan mo
Paghihirap at pasakit ang naramdaman ko.

Lumuha ng nagiisa
Nasa isang madilim na sulok
Nawalan ng kulay
Na tila ba isang lantang halaman.

Paghihirap ang dala dala ko
Pasakit ang kimkim ng Dibdib ko
LUHA ang yakap ko sa gabing madilim
Na siyang nagbibigay ng kulay Pula sa Mata ko

Sakit, Paghihirap, at lungkot
Ang nakatago sa ligaya na ipinapakita
Sa ngiti na nasisilayan
At sa tuwa na naipaparamdam

Nakakatuwang isipin na ngayon ay ika'y kasama ng muli
Ngunit nakakasakit
Dahil kasama nga kita Ngunit alam ko ang isip mo ay nasa iba
Ang puso mo ay oo nasaakin Ngunit hindi buo

Pala isipan sa isipan
Katanungan na Hindi masambit
Katanungan na Laging tinatanong
Ngunit meron pang nakatago

Nais sambitin Ngunit idinadaan sa ibang tanong
Dahil ayoko na ika'y madaliin
Binigyan kita ng oras
Oras na magisip
Oras na makirandam
Oras hanggang makasigurado ks na

Ngunit ang pinakamalaking Katanungan sa isipan ko ay
Hanggang kailan ako maghihintay
Maghihintay sa oras na sigurado ka na
Na ako ang pinipili mo At Hindi siya.

Hindi yung ako ang pipiliin mo Ngunit meron pang isa
Ako ang pipiliin mo Ngunit nagaalangan ka pa
Ako ang pipiliin mo Ngunit ramdam mo pa siya
Ako ang pipiliin mo Ngunit kasama mo pa siya

Tanong
Tanong na hanggang kailan.
Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Maghihintay sa oras na ako ang pipiliin mo At Hindi siya.

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon