Title : Kailan (own composition of spoken words poetry) - - Sorry maliit lang siya.. - -
Saya, ligaya, at tuwa.
Nakakaluwag ng Dibdib diba?
Kapag ganyan ang pakiramdam.
Pero bakit ba kasi?
Bakit ba kasi ganun?
Lagi nalang..
Lagi nalang may hadlang.
Lagi nalang may harang
Lagi nalang may pader.
Nakakainis.
OK pa sana eh. Pwede pa sana.
Pero nakakainis
Nakakasakit
Nakaka panghina.
Nakakapagod
Pero tinitiis ko lang.
Kasi nga mahal kita.
Madali pa kasi.
Maluwag pa kasi.
Pero ngayon hindi na.
Mahirap na.
Masikip na
Kaya ngayon nakakasakit na.
Maliit na hadlang
Maliit na harang
At maliit na pader.
Yan yun eh.
Maluwag pa kasi maliit pa.
Madali pa kasi maliit pa.
Pero kasi ngayon ang maliit na hadlang ngayon Anlaki na.
Ang maliit na harang ngayon hanggang langit na.
Ang maliit na pader ngayon sementado na.
Kaya sobrang hirap
Sobra nga pero gusto kong tiisin
Mahal kita eh
Mahal na mahal kita
Pero hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan nga ba ganito?
Hanggang kailan nga ba ganito kahirap?
Ganito kahirap na Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin
Hanggang kailan ko kakayanin
At kung kakayanin ko pa ba hanggang sa dulo
BINABASA MO ANG
Short Story
Historia CortaMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.
