Spoken Words Poetry Four

8 0 0
                                    

Title : iniwan Ngunit muling tinanggap (own composition of spoken words poetry)

Iniwan. 
Yan ba ang tamang salita kapag binitawan mo ako?
Iniwan
Yan ba ang ibang salita sa salitang lumisan ka sa piling ko?
Iniwan
Yan lang ba ang salitang maglalarawan sa pananakit mo sakin

Sakit, hirap at pag LUHA
Sakit na dulot ng pagbitaw mo
Hirap na dulot ng pagiwan mo
At LUHA dulot ng sakit at hirap na naramdaman ko dahil sayo.

Iniwan mo na ako.
Sinaktan Mo na ako.
Pinaiyak mo na ako.
At pinahirapan mo na ako.

Lahat ng yan ginawa mo na sakin.
Lahat ng yan pinagdaanan ko na.
Lahat ng yan naranasan ko na.
Lahat ng yan naramdaman ko na.

Nung una nasaktan ako ng sobra.
Nung una nagalinlangan ako.
Nung una sinabi ko papapasukin pa ba kita? 
Pero wala pinapasok pa din kita.

Kaibigan. Yan lang naman ang inaasahan ko.
Ang magsimula ulit tayo sa kaibigan.
Pero bakit ba kahit anong gawin ko lumalabas padin
Yung pagmamahal ko para sayo.

Humingi ka ng pagkakataon.
Pangalawang pagkakataon kahit na kumplekado pa.
Kahit na may sabit pa.
Kahit na may chance padin na masaktan tayo.
Na Mahirapan tayo.
Pero kahit ganun.
Tinanggap padin Kita.
Pinapasok padin Kita sa buhay ko higit pa sa kaibigan.
Pinagbigyan kita.
Kahit alam kong masasaktan ako.
Aasa ako.
Mahihirapan ako.
At Luluha ako.

Minahal Kita eh.
Minamahal kita.
Pero ang sakit.
Ang sakit lang dahil ang kumplekado
Kumplekadong sitwasyon na Hindi ko alam kung hanggang kailan.
Hanggang kailan nga ba? 
Hanggang kailan nga ba maghihintay?
Maghihintay na maging malaya.
Maging malaya sa sitwasyong ang gulo gulo
Sa sitwasyong ang hirap Lampasan.

Lagi nalang akong nagtatanong.
Parang yung kanta lang na hanggang kailan ako Aasa?
Hanggang kailan nga ba?.
Hanggang kailan nga ba ako Aasa?
May pagasa pa ba,?
Oo sabi mo meron.
Pero kailan pa kaya?
Matagal pa ba? 
Magtatagal pa ba?

Sinabi kong kaya ko dahil mahal kita.
Sinabi kong hihintayin kita dahil mahal kita
Pero ang hirap
Ang hirap maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Nais ko ng sagot
Sagot sa tanong na hanggang kailan tayo ganito?
Hanggang kailan nga ba? 

Masakit isipin
Masakit sa pakiramdam
Na Hindi tayo malaya
Wala tayong kalayaan.
Ansakit. Ansakit sakit
Tinitiis ko dahil mahal kita.
Ipinagpapatuloy ko dahil mahalaga ka.
Hindi ako sumusuko dahil alam kong may pagasa pa.
Hindi ako bumibitaw dahil alam kong magkakaroon din tayo ng kalayaan
Kahit hindi ko alam kung gaanu ka tagal.
Kahit hindi ko alam kung hanggang kailan.
Kahit Ansakit sakit na
Kahit nakakapagod na.
Kahit walang kasiguraduhan.
Kaya kong magtiis . Kahit mahirap kakayanin ko.
Dahil mahal kita
Mahal na mahal kita. 

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon