title : mamili ka (own composition of spoken words poetry)
Kumplekadong sitwasyon.
Kapag nandiyan ka daw sa sitwasyon na yan tanga ka na.
Kasi pumayag kang mahirapan.
Kasi pumayag ka na magtiis.
Pumayag ka na magbulagbulagan
At pumayag ka na maging manhid kahit ang sakit sakit na.
Kahit hirap na hirap ka na.
Kahit hindi mo na Kaya.
Kahit pakiramdam mo suko ka na.Ang kumplekado naman kasi eh.
Ang Kumplekado ng sitwasyon.
Kulang nalang tawagin mo na talaga ang sarili na tanga.
Manhid.
Martyr.
Bobo.
Bulag.
At kung ano ano pa.Ang daming pwedeng itawag sayo eh.
Pero isa lang.
Isa lang ang maglalarawan sa sakit na nararamdaman mo.
At yun ay siya.
Siya na dahilan kung bakit ka nasasaktan.
Siya na dahilan kung bakit ka nahihirapan.
Siya na dahilan kung bakit nagpapakatanga ka.
Siya na dahilan kung bakit nagpapakamanhid ka.
At siya na dahilan kung bakit nagbubulagbulagan ka para hindi mo nalang maramdaman ang sakit na dulot niya.
Dulot ng mga kagagawan niya.
Dulot ng mga desisyon niya
Na dahilan para mapunta kayo sa sitwasyong yan.
Sa sitwasyong ang kumplekado.Tanga.
Manhid.
Martyr.
Bulag.Bat kaya di ka nalang uminom ng kape para magising ka sa katotohanan.
Sa katotohanan na kahit anong gawin niyo.
Kahit anong Paghihirap niyo.
Ang sitwasyon niyo ay di padin magbabago.
Kumplekado padin.Sinasabihan na kita ngayon.
Pinapayuhan na kita ngayon.
Ang pagiging tanga, manhid, Martyr at Bulag ay katumbas ng Paghihirap at pasakit.Ang pagiging tanga at Martyr ay hindi panghabang buhay.
May oras din na mauutog ka.
Ang pagiging manhid ay hindi din panghabang buhay.
May oras din na luluha ka nalang kasi nasasaktan ka na talaga.
At ang pagiging Bulag din ay hindi pang habang buhay.
May oras din na maaalis na ang harang na matagal ng nakaharang sa mga mata mo.Makinig ka man o hindi.
Wala na akong magagawa.
Mamili ka nalang sa dalawa..
Ang palayain siya o ang masaktan ka..
Ang magdusa ka o ang maluwagan ka ng loob..
Ang mawala siya o ang nahihirapan ka..
Ang bitiwan siya o ang nasusugatan ka..Para Lang siyang Patalim eh.
Nakahawak ka sa isang Patalim na kailangan mong mamili..
Kung bibitawan mo ba?
para matapos na ang dugo at sakit dulot ng sugat na ginawa niya sa'yo..
O tuloy ka padin sa paghawak
kahit ikamatay pa ng damdamin mo wag lang siyang mawala sayo..?
Mamili ka ngayon na.
Bago ka pa maubusan ng dugo.
At baka ikamatay mo pa.
BINABASA MO ANG
Short Story
Short StoryMga story na masasakit, masasaktan ka, mapapaluha ka, mapapasaya ka, mapapagod ka, magseseryoso ka, at magpaparealize sayo kung ano ang TunAy na kahulugan ng pagibig at kung ano ang pwedeng mangyari kapag NAGMAHAL ka.