ISANG BARKADA part 2

19 0 0
                                    


(Card Day)

"yes mga brad nakapasa tayong lahat!" sigaw ni Jerick sa mga kabarkada niya.

"oo nga Jerick, mga brad.. pasado tayo.. yes hindi ako mapapagalitan ng tatay ko" sabi naman ni Ella.

"ako naman hindi ako mapapalo ng nanay ko dahil pasado ako hahahha" sabi naman ni Jonas.

"ako naman hindi ako mapapalayas ng magulang ko dahil sa taas ng grade ko" dagdag naman ni Jm.

"ako naman makakakain ako bukas ng kanin dahil kasing mahal ng kanin ng grade ko hahaha" sabi din ni Jerick.

pagkatapos nun ay nagtawanan silang apat.

"ang saya natin dahil nakapasa tayo pero sayang hindi tayo kumpleto wala si Rachelle eh" malungkot naman na sambit ni Ella kadahilanan upang maging malungkot ang buong barkada.

"oo nga eh.. walang madaldal" malungkot din na sabi ni Jm.

"walang masungit" sabi naman ni Jerick.

"walang naninigaw" sabi naman ni Jonas.

"at walang magagalit satin kapag nagloko tayo" malungkot pading sabi ni Ella.

"at walang makikipagtawanan satin" sabay sabay na sabi nilang apat.

"hay ang lungkot pala kapag wala si Rachelle" - Jonas.

"oo nga eh.. ano kayang pwede nating gawin para makita siya?" tanong naman ni Ella.

"punta tayo sa bahay nila" sabi bigla ni Jerick.

nagliwanag ang mga mata nilang apat.

"tama" sabay sabay na sigaw nila.

.

.

.

.

.

(Rachelle's House)

"andito na tayo" sabi ni Jonas ng makarating sila sa bahay nila Rachelle.

"ahy hindi hindi hindi.. wala pa fayo sa bahay nila.. nasa school pa nga tayo eh" pamimilosopo naman ni Ella.

"grabe ka talaga mamilosopo sakin Ella" asar na sabi naman ni Jonas na ikinatawa nilang lahat maliban kay Jonas na lalong nainis ng dahil sa tawa nila.

"hay naku kumatok na nga lang tayo" yun nalang ang sinabi ni Jonas dahil sa inis niya sa pangaasar sakanya ng mga kaibigan niya

kakatok na sana si Jonas ng bigla silang makarinig ng ingay mula sa loob ng bahay nila Rachelle.

"ANO BA ANG PAKIALAM MO HA!!?? WALA KANG PAKIALAM NAIINTINDIHAN MO BA?? HA?? MAS MABUTI NALANG NA WAG KA NG MAGARAL!! AMPON KA DIN LANG NAMAN!!!"

"*PAK* *BOG* *BLANG*"

yan ang mga naririnig nila mula sa loob.

sigaw ng lalaki na tila tatay ata ni Rachelle at mga bagay na laging nababasag at mukhang nagwawala ang tatay ni Rachelle.

"nagwawala ata ang tatay ni Rachelle" sabi ni Ella sa mga kasama niya.

"hanggang ngayon padin na naman sinasaktan niya padin si Rachelle?" galit na sambit ni Jerick.

"hindi niya padin tinatantanansi Rachelle" mahinahong sabi ni Jm ngunit sa kaloob looban niya ay galit na siya at nais niya ng sugurin ang tatay ni Rachelle.

"ano ng gagawin natin?" nanlilisik ang mga mata ni Jonas ng sinabi niya ang katagang yan.

"ede sugurin na natin" galit na galit na sabi ni Ella.

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon