Tula no.2

2 0 0
                                    

Another poem guys 🤣🤣

"Tahimik"

Maingay akong Tao,
Pero mas gusto ko pading manatili sa sarili Kong mundo.
Madaldal akong tao,
Pero mas gusto ko pading manahimik sa loob nang kwarto ko.
Makulit akong Tao,
Pero mas gusto ko pading matulog sa Kama ko.
Palakaibigan akong Tao,
Pero mas gusto ko pading mapagisa nang kahit ilang minuto.
Mahilig akong manuod nang Kung ano ano,
Pero mas gusto ko pading kaharap Ang Mga libro.
Gusto Kong gumala sa kahit Saan nang dako nang mundo
Pero mas gusto ko pading manatili sa apat na sulok nang bahay ko.
Mahilig akong lumabas kasama Ang Mga barkada ko,
Pero mas gusto ko pading kumain nalang at umupo.

Marami akong gusto,
Madami Ang nakakahiligan ko,
Madami Ang nakagawian ko,
Pero mas gusto ko pading gawin Ang kabaliktaran nang mga bagay na ginagawa ko.

Mas gusto ko Kasi Ang tahimik na buhay kaysa sa Lugar na puno nang ingay.
Mas gusto Ko kasing mapagisa sa bahay
Mas gusto ko kasing magpahinga hanggang sa bukang liwayway
Mas gusto ko kasing pakinggan Ang Mga dahon na kumakaway
Mas gusto ko kasing Makita Ang langit na unti unti nang nawawalan nang buhay.
Mas gusto ko Kasi Ang paligid na handang sumabay
Mas gusto ko Kasi na pati Ang katawan ko ay tuluyan nang hihimlay.

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon