noon at ngayon

26 0 0
                                        


Noon at ngayon

Sakit dahil sa pagtitiis.
Pagdurusa Ng nakaraan.
Hanggang kasalukuyan ay pagdadaanan.
Nais ibahin ang tadhana kasama ka ngunit ikaw ang siyang hadlang.
Hadlang na nais baguhin.
Pagbabago para saating pagibig.
Ngunit pag lumalapit pilit lumalayo.
Natatakot na maulit ang lahat lahat.
Sarili lamang ang NASA isipan.
Damdamin ko ay parang balewala Lang
Ang pusong umaasa dahil sa ipinapakita
Ipinapakitang pagasa ay Gawain Ng Paasa.
Sakit sa puso.
Ay tila naulit lamang.
Dahilan Ng pagkapit noon.
Dahilan Ng pagkapit ngayon.
Dahilan Ng pagbitaw noon.
Maaring maging dahilan Ng pagbitaw ngayon.
Kaya patawad mahal Kung balang araw ay ikay muling bibitawan
Pagkat ang ginawa noon
Ay muling ginagawa ngayon
At gaya mo
Ang gnawa din noon
Ay siyang muling gagawin ngayon.
Kaya patawad mahal.
Patawad aking sinta
Mahal na Mahal kita
Ngunit noon at ngayon ay nasasaktan na.
Nagtitiis sa piling mo.
Kaya sana wag sisihin
Ang aking puso
Dahil ang puso ko ay parang kahoy
Gaano man kakapal
May oras na rurupok din.
At sa oras na yun ay masasaktan man ako
Ngunit Wala na akong magagawa
Kundi tuluyan Kang bitawan.

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon